OPM hitmaker Ogie Alcasid marks his 30th anniversary in the industry with one of the biggest musical events this year —his concert dubbed “OA: Ogie Alcasid 30th Anniversary with the ABS-CBN Philharmonic Orchestra”— happening on August 24 (Friday) at the Araneta Coliseum.
Ipagdiriwang ng OPM hitmaker na si Ogie Alcasid ang kanyang ika-30 anibersaryo sa industriya sa pamamagitan ng isa sa pinakamalaking musical events ng taon— ang “OA: Ogie Alcasid 30
th Anniversary with the ABS-CBN Philharmonic Orchestra” concert na magaganap sa Agosto 24 (Biyernes) sa Araneta Coliseum.
“Magkakaroon kami ng malaking fiesta atmosphere sa opening number na mayroong 80 hanggang 100 performers sa stage,” pagbabahagi ng singer-songwriter. “Gusto naming ipagdiwang ang lahat ng may tatak Pilipino.”
Handa na ngang magbigay ng all-out performance si Ogie para sa musikang tutugtugin ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra, ang ensemble na kasama niya sa bonggang musical collaboration para sa “Nakakalokal” album na inilabas niya noong 2017.
Sasamahan ang “Your Face sounds Familiar Kids” judge sa musical milestone na ito ng Phenomenal Box Office Star na si Vice Ganda at ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid.
Bahagi rin dito sina Rey Valera, Michael V, Janno Gibbs, Yeng Constantino, Moira dela Torre, Leila Alcasid, Sarah Alcasid, Nate Alcasid, Ban Sot Mee, at ang Hotlegs.
Ididirek ang naturang concert ni Paolo Valenciano, sa ilalim naman ng musical direction ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra maestro na si Gerard Salonga.
Unang pinasok ni Ogie ang industriya ng musika noong 1988 at naging opisyal na hitmaker sa kasunod na taon nang matanggap niya ang gold status para sa kanyang debut album at naging malaking hit ang “Nandito Ako,” ang kauna-unahang single ng OPM icon.
Handog ng Star Events, ABS-CBN Events, at A-Team ang “OA” concert. Tampok naman ang PLDT Home at Belo Medical Group bilang co-presenters habang minor sponsors ang Transmodal International Inc., EO Executive Optical, at Jollibee.
Mabibili na ang tickets sa ticketnet.com.ph sa halagang P5,075 (VVIP kasama ang “Nakakalokal” album), P3,710 (VIP), P3,180 (patron A), P2,650 (patron B), P1,590 (lower box), P745 (upper Box), at P425 (general admission). Maaari ding tumawag sa 911-5555 para sa ticket inquiries.
Huwag palampasin ang 30
th anniversary show ni Ogie sa darating na Agosto 24 (Biyernes), 8 PM. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang starmusic.ph, i-like ang Star Music sa facebook.com/starmusicph, at sundan ito sa Twitter at Instagram @ StarMusicPH.