News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, ipagdiriwang ang "One Love, One Pinas" sa araw ng kalayaan

August 14, 2018 AT 03 : 06 PM

ABS-CBN invites Filipinos to show their love for country as the Philippines marks its 120th year of independence with a special commemorative flag-raising ceremony airing on Tuesday (June 12) after “Umagang Kay Ganda.”

ABS-CBN, IPAGDIRIWANG ANG “ONE LOVE, ONE PINAS” SA ARAW NG KALAYAAN

Hihimukin ng ABS-CBN na ipakita ng mga Pilipino ang pag-ibig sa tinubuang lupa ngayong Araw ng Kalayaan sa gaganapin nitong flag-raising ceremony na mapapanood sa Martes (Hunyo 12) pagkatapos ng “Umagang Kay Ganda.”

Ilulunsad ng Kapamilya network ang kampanya nitong “One Love, One Pinas,” na hihikayatin ang mga Pilipinong maging ambassador ng bansa ngayong Hunyo. Layunin nitong ibida ang mga bagay na tunay na nakagaganda sa Pilipinas, tulad ng sambayanang Pilipino at ang mabubuting asal na kanilang isinasabuhay.

Maaaring makibahagi ang mga Kapamilya sa “One Love, One Pinas” sa pamamagitan ng pagpo-post ng mga kwento, larawan, o videong nagpapakita ng kulturang Pilipino, mga dinarayong tanawin, mga masarap at kakaibang pagkain, at maski mga tao mismo, gamit ang hashtag na #OneLoveOnePinas.

Mangunguna sa flag-raising ceremony sina Jorge Carino at Doris Bigornia ng ABS-CBN News. Maghahatid rin ng espesyal na performance ang University of Santo Tomas Choir, na umani na ng karangalan sa labas ng bansa.

Isa nang tradisyon taon-taon ang seremonyang ito sa ABS-CBN na nilalahukan ng mga employee at staff galing sa iba’t ibang regional station sa bansa, mga news bureau sa ibayong dagat, at ibang sangay ng Kapamilya network.

Panoorin ang “One Love, One Pinas” flag-raising ceremony ngayong Martes (Hunyo 12) sa ABS-CBN pagkatapos ng “Umagang Kay Ganda” sa ABS-CBN at ABS-CBN HD sa TV at sa iwantv.com.ph o skyondemand.com.ph online. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Twitter, Facebook, at Instagram o pumunta sa www.abscbnpr.com.