The lives of Coleen Garcia, Nathalie Hart, and Xian Lim entangle as they fight for love in the intriguing romance thriller film “Sin Island,” premiering on Cinema One this Sunday (August 19) at 7 PM.
Gugulo ang mundo nina Coleen Garcia, Nathalie Hart, at Xian Lim sa kanilang laban para sa pag-ibig sa romance thriller film na “Sin Island” na unang beses ipapalabas sa Cinema One ngayong Linggo (Agosto 19), 7 PM.
Masusubukan ang perpektong pamumuhay ng mag-asawang sina David (Xian) at Kanika (Coleen) sa pangangaliwa ng babae matapos mawalan ng trabaho ang kanyang asawa. Upang makalimot, tutungo si David sa isang isla—ang Sinilaban Island—kung saan mabibighani siya sa kaakit-akit na si Tasha (Nathalie).
Maibabalik pa kaya ni David at Kanika ang dating pagsasama? O tuluyan nang makukuha ni Tasha si David mula sa asawa nito?
Unang ipinalabas sa mga sinehan ang “Sin Island” bilang Valentine’s offering ng Star Cinema. Ito ay mula sa direksyon ni Gino M. Santos.
Tampok rin sa pelikula sina TJ Trinidad, Bernard Palanca, Dominic Ochoa, Lito Pimentel, Desiree del Valle, Nikki Valdez, Thou Reyes, at McCoy de Leon.
Tunghayan ang maiinit na mga tagpo sa “Sin Island,” sa Linggo (Agosto 19) sa Blockbuster Sunday ng Cinema One, 7 PM. Mapapanood ang Cinema One sa SKYcable Channel 56, SKYdirect Channel 19, Destiny Cable Analog 37 at Digital 56. Para sa iba pang updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin
angwww.abscbnpr.com.