Bago natupad ang pangarap ng ilan sa mga pinakahinahangaang bituin ng mga Pinoy ngayon, nagsimula ang kwento nilang lahat sa isang audition.
Ito ang mga kwento ng pangarap at pag-asa na bibida sa bagong grand audition show na “Star Hunt” na magbibigay-serbisyo sa lahat ng ordinaryong Pilipinong nangangarap at magsisimula na ngayong Lunes (Agosto 20) sa Kapamilya Gold.
Manggagaling ang mga istoryang ito sa mga Star Dreamer o auditionee na nakitaan ng potensyal sa libo-libong sumugod at sumalang sa mga ginanap na “Star Hunt” grand auditions sa loob at labas ng bansa.
Ipapakilala sa mga manonood ang mga natatanging Star Dreamer na ito ng hosts ng programa na minsan na ring nangarap at nagpakatotoo sa loob ng Bahay ni Kuya, sina Kim Chiu, Alex Gonzaga, Robi Domingo, at Melai Cantiveros.
Ngunit higit pa sa pagpapakita ng iba’t ibang talento – mula aktingan, sayawan, kantahan, at iba pa – susundan din ng show ang pagpapabuti ng Star Dreamers ng kanilang galing tungo sa pag-abot ng kanilang pangarap.
Mula sa auditions, tutulungan ng “Star Hunt” ang Star Dreamers na habulin ang kanilang bituin at bibigyan ng pagkakataong maitampok sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN – mapa-TV, radyo, musika, online, o pelikula man ito.
Simula nang ilunsad ang Star Hunt auditions, nakapagbigay na ito ng pag-asa sa mga Star Dreamer na naging o maaaring maging bahagi ng “The Voice of the Philippines,” “I Can See Your Voice,” “Tawag ng Tanghalan,” “Dance Kids,” “MMK,” “Pinoy Big Brother” at ang paparating na dance competition na “World of Dance Philippines.”
Alin kaya sa Star Dreamers na itatampok ang may posibilidad na maging housemate sa susunod na season ng “Pinoy Big Brother”? Paano kaya konektado sina Piolo Pascual at Coco Martin sa pagtupad ng pangarap ng ilang Star Dreamer?
Panoorin ang pag-uumpisa ng “The Blood Sisters” ngayong Pebrero 12 sa ABS-CBN. Para sa updates, pumunta lamang sa fb.com/starhuntabscbn o i-follow ang @ starhuntabscbn sa Twitter at Instagram.