Bibida si Paulo Avelino ngayong weekend sa KBO sa pagpapalabas sa unang pagkakataon ng kanyang 2017 musical film na “Ang Larawan.”
Panoorin siya bilang ang tusong si Tony Javier, ang lalaking umakit kay Paula Marasigan para ibenta ang pamosong painting ng ama ng babae.
Eeksena si Tony sa buhay ng magkakapatid na sina Paula at Candida (Joanna Ampil) upang himukin ang mga itong ibenta ang painting lalo na at alam niyang mabebenta ito sa malaking halaga. Ang pintor nito na si Don Lorenzo, ang ama ng magkapatid, na pinili man ang tahimik na buhay ay nakuha pa rin ang curiosidad ng maraming tao.
Ang pelikulang “Ang Larawan” ay film adaptation ng stage production na “Larawan, The Musical,” na nagbibigay pugay sa katatagan ng sining sa gitna ng pag-usbong ng materialism.
Ang parehas na produksyon ay hango sa three-act English play na “A Portrait of the Artist as Filipino,” ng National Artist for Literature na si Nick Joaquin. Ang naturang movie musical ay isa sa mga pelikula na nakakuha ng pinakamaraming parangal noong taong 2017, sa pagkapanalo nito ng Best Picture sa 2017 Metro Manila Film Festival at Movie Musical of the Year noong 2018 Star Awards for Movies, pati na rin ang nakuha nitong mga nominasyon bilang Movie of the Year sa 2018 Star Awards for Movies at Best Picture naman sa 2018 Famas Awards.
Mapapanood din muli ngayong Sabado (Sept. 1) at Linggo (Sept. 2) ang pelikula nina Coco Martin at Toni Gonzaga na “You’re My Boss,” ang Sam-Angel-Zanjoe movie na “Third Party,” ang pelikula nina LizQuen na “Just The Way You Are,” at horror film ni Ian Veneracion na “Ilawod.”
Mag-register gamit ang prepaid o postpaid SIM. Sa prepaid, mag-load lang (Globe, TM, Smart, Sun, TNT) ng P30; pindutin ang green / INFO button sa inyong TVplus box remote para makuha ang inyong box ID; i-text ang KBO30 AUG25<TVplus box ID> sa 2366.
Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang
www.abscbnpr.com