Filipinos can expect more lively discussions on the hottest issues in the country in DZMM Radyo Patrol 630, which topped all AM radio stations in Mega Manila with an audience share of 25% in the Kantar Media radio survey for the second quarter of 2018. One of its leading programs every Saturday night is “Teka Muna” anchored by Peter Musngi and Pat-P Daza.
Tuloy ang masiglang diskusyon sa pinakamainit na mga balita sa DZMM Radyo Patrol 630, na nanguna sa Kantar Media radio survey sa Mega Manila para sa sa ikalawang quarter ng taon matapos magtala ng audience share na 25%.
Isa sa mga patok na programa sa himpilan tuwing Sabado ang “Teka Muna,” tampok ang tamabalan nina Peter Musngi at Pat-P Daza, na kilala sa kanilang masayang talakayan at mga panayam mula pa nang magsimula ang programa noong 2013.
Patok sa mga tagapanood ng DZMM TeleRadyo at tagapakinig ng DZMM Radyo Patrol 630 ang kwentuhan at palitan ng opinyon sa mga naglalakihang isyu sa lipunan nina Peter and Pat-P, na kapwa mga beterano sa media. Si Peter ang nagbibigay ng mga impormasyon at tumitimon sa programa, samantalang si Pat-P naman ang nagdadala ng mga malupit na hirit at mga tanong na sumasalamin sa pulso ng masa. Magkasama, nagagawa nilang masaya pero malalim pa rin ang mga talakayan sa mga balita.
“Hindi kasi kami scripted,” sabi ni Pat-P. “Bago mag-on-air, pinapagusapan na namin ang mga topic o isyu na tatalakayin para handa kami sa usapan pagkasalang,” Pat-P shared.
Bukod doon, “Bahala na ang patutunguhan ng usapan,” sabi ni Peter. “Mas gusto naming ganito, hindi scripted at natural lang.”
Dahil palagi silang nag-iinterbyu ng mga personalidad, doble ang paghahanda ni Pat-P para laging maging updated sa mga pangyayari sa bansa. “Nagbabasa at nanonood ako ng news araw-araw. Importanteng may stock knowledge.”
Si Peter naman, todo pa rin ang pagbibigay importansya sa programa,tulad ng itinuturo niya noong namumuno pa siya sa DZMM.
“Bilang anchor, ikaw ang nagpapagalaw ng iyong bangka. Kung wala kang malasakit sa programa, walang magmamalasakit doon. Kailangang alagaan mo ang sarili mong programa,” aniya.
Sa hinaharap, nais ni Peter na lumabas din sila ni Pat-P ng radio booth upang makapanayam ang mga nasa balita kung nasaan man sila.
Samantala, patuloy ding nangunguna ang DZMM sa himpapawid ayon sa radio survey ng Kantar Media sa Mega Manila para sa ikalawang quarter ng taon. Pinakamataas ang 25% audience share ng DZMM na sinundan ng DZBB (22%) at DZRH (21%). Hindi rin nagpapaawat ang himpilan pagdating sa serbisyo publiko sa mga programa tulad ng DZMM HaPinay Day Buntis Congress at DZMM Kapamilya Day.
Abangan sina Peter Musngi at Pat-P Daza sa “Teka Muna” sa DZMM Radyo Patrol 630 sa AM radio at on DZMM TeleRadyo sa SKYcable at ABS-CBN TVplus tuwing Sabado ng 7 pm. Para sa balita, pumunta sa dzmm.com.ph o sundan ang @DZMMTeleRadyo sa Facebook atTwitter. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abscbnpr.com