News Releases

English | Tagalog

"Bida Bes" ng YeY muling bibisita sa iba’t ibang paaralan

September 13, 2018 AT 02 : 36 PM

YeY continues to empower Filipino children beyond television as they bring experiential activities that deliver the lessons from its youth-oriented shows via the “Bida Best School Tour” across private and public schools nationwide.

Hindi lang sa mga palabas ng YeY channel sa telebisyon natututo ang mga kabataang Pilipino, maging sa sa “Bida Best School Tour” nito na bumibisita sa mga private at public schools sa buong bansa.

Kasama sa school tour ang nakaaaliw na Zumba moves sa “Galaw Go,” isang food decorating contest sa “Snacks Naman,” coloring session sa “Artstig” at “StorYeY”, exciting na Jenga session sa “Game Play,” at lyre lessons sa “Soundcheck.”

Ang MOR Radio DJ na si Rico Romantiko ang host ng “Bida Best School Tour”

Kada paaralan ay binibigyan ng sarili nitong ABS-CBN TVplus kung saan maaaring mapanood ang mga pambatang palabas sa YeY at Knowledge Channel.

Nagsimula ang Bida Best School Tour nitong nakaraang Hulyo.  Bibisita ito sa Kalantiyaw Elem School, Q.C. sa September 18 Immaculate Concepcion Cathedral School, Q.C. sa September 19, Dr. Sixto Antonio Elementary School, Pasig sa September 24  at Pasig Christian Academy sa September 25.

Ang Knowledge Channel at YeY channel ay dalawa sa exclusive channels ng TVplus kung saan ma-eenjoy at matututo ang kabataan sa panonood ng mga lokal at internationally-produced na TV shows.

Ang “Team YeY” ay ang original all-kids variety show ng YeY na punong-puno ng activities na ma-eenjoy ng mga bata buong linggo tulad ng pagkanta, pagsayaw, arts and crafts, games, storytelling, pati na rin ang food preparation. Araw-araw mapapanood ang “Team YeY” sa YeY channel tuwing 8:30 am at 3:00 pm.

Ang YeY ay isang free and exclusive channel sa ABS-CBN TVPlus, na makukuha sa one-time payment na P1499. Abot ng ABS-CBN TVplus signal coverage ang Metro Cebu, Cagayan De Oro, Iloilo, Bacolod, Davao, Metro Manila, Bulacan, Nueva Ecija, Pangasinan, Rizal, Laguna, Pampanga, Tarlac, Benguet, at Cavite. Mapapanood rin ang YeY sa SKYcable at Destiny Cable at sa direct-to-home or satellite TV na SKYdirect. Pumunta sa tvplus.abs-cbn.com at sundan ang ABS-CBN TVplus at Yey sa Facebook.

Para sa karagdagang impormasyon naman sa Knowledge Channel Foundation, Inc., bisitahin ang www.knowledgechannel.org o i-follow ang @kchonline sa Twitter, @knowledgechannel sa Facebook, at mag-subscribe sa YouTube www.youtube.com/knowledgechannelorg para sa mga curriculum-based education videos.

Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.