News Releases

English | Tagalog

Kpntrobersyal na pelikula nina Bea, Paulo, at Derek, babandera sa KBO

September 14, 2018 AT 10 : 01 AM

Hatid ng KBO ngayong Sabado (Sept.15) at Linggo (Sept. 16) ang isa sa mga pinag-usapan at tinangkilik na pelikula ngayong 2018 na pelikula ng mga batikang aktor na sina Bea Alonzo, Paulo Avelino, at Derek Ramsey na “Kasal.”
 
Iikot ang storya nito sa simpleng babaeng si Lia (Bea) na magpapakasal sa tinaguriang ‘Prinsepe ng Cebu’ na si Philip (Paulo) na tumatakbong mayor sa kanilang lalawigan.  
 
Subalit, gugulo ang kanilang mala-fairytale love story sa pagpasok ng dating karelasyon ni Lia na si Wado (Derek) na siyang tutulong kay Philip masigurado ang kanyang pagkapanalo sa eleksyon.
 
Isang plot twist, tungkol sa kasarian, ang tatalakayin sa storya ng love triangle ng “Kasal” na siguradong gugulat sa manonood.
 
“Sa unang tingin, aakalin mo lang na isa itong ordinaryong kwento na papasok muli ang ex para guluhin ang relasyon at dream wedding ng dalawa. Ngunit, itong pelikulang idinerehe ni Ruel S. Bayani na una ng nakilala dahil sa kanyang mga sikat na pelikula tulad ng “No Other Woman at One More Try, ay may hinandang pasabog na iiba sa tipikal na love triangle story sa hindi inaasahang panahon. Lalo na kung hindi mo pa napapanood ang trailer, hindi mo maasahan kung gaano kalayo ang tatahakin ng storyang ito," pagbabahagi ni Fred Hawson sa kanyang pagsusuri sa pelikula sa news.abs-cbn.com
 
Tumabo rin sa takilya ang nasabing pelikula at umani ng P100 million pesos.
 
Abangan iyan ngayong weekend kasama ang pelikula na  “That Thing Called Tadhana” nina nina Angelica Panganiban at JM de Guzman , “Dark Room” nina Bret Jackson at Ella Cruz,” “Ang Pambansang Third Wheel” nina Yassi Pressman at Sam Milby, at ang “My Fairy Tale Love Story” nina Elmo Magalona at Janella Salvador.
 
Mag-register gamit ang prepaid o postpaid SIM. Sa prepaid, mag-load lang (Globe, TM, Smart, Sun, TNT) ng P30; pindutin ang green / INFO button sa inyong TVplus box remote para makuha ang inyong box ID; i-text ang KBO30 SEPT15<TVplus box ID> sa 2366.
 
Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com