The Philippines’ leading media and entertainment network formally launched the ABS-CBN Studio Experience, the first ever studio city in the country that lets visitors become stars, reality show contestants, stunt trainees, production crew, and more in the indoor theme park located at Ayala Malls TriNoma.
Inilunsad na ng nangungunang media at entertainment network sa Pilipinas ang ABS-CBN Studio Experience, ang kauna-unahang studio city sa bansa na nagbibigay pagkakataon sa mga bisita na maging bida, reality show contestant, stunt trainee, production crew, at iba pa sa loob ng bagong indoor theme park na matatagpuan sa Ayala Malls TriNoma. Sa naganap na grand opening ceremonies noong Linggo (Setyembre 16) na pinangunahan ni Robi Domingo bilang host, ipinakita sa mga bisita ang Reality, Fantasy, at Retail Studios at ipinalabas ang natatanging 4D production sa bansa, ang “ASAP 4D,” sa loob ng Kapamilya Theater na isa lamang sa 15 attractions ng Studio XP. Pinangunahan nina ABS-CBN Corporation chairman Mark Lopez, Ayala Malls deputy head Mariana Zobel de Ayala, ABS-CBN Corp. chairman emeritus Eugenio Lopez III, at Ayala Land commercial business group head Junie Jalandoni ang pagbubukas ng Studio XP. Bisitahin na ang bagong bukas na ABS-CBN Studio Experience na matatagpuan sa 4F ng Ayala Malls TriNoma. Sundan ang ABS-CBN Studio Experience sa Facebook, Twitter, at Instagram (@abscbnstudioxp) at bisitahin ang studioexperience.abs-cbn.com upang alamin ang shift schedule at bumili ng tickets online.