One of today’s hottest young artists, Maymay Entrata, goes to the Queen City of the South on October 19 (Friday) for the much-awaited musical event–“The Dream Tour Maymay in Concert Live in Cebu”.
Bibisita ang isa sa pinakasikat na young artists ngayon, si Maymay Entrata, sa Queen City of the South sa darating na Oktubre 19 (Biyernes) para sa pinaka-inaabangang musical event—ang “The Dream Tour Maymay in Concert Live in Cebu”. Abangan ang Star Pop singer sa kanyang pag-awit ng Song Of the Year ng MOR Pinoy Music Awards 2018 na “Shanawa,” pati na rin ang mga awiting “Baliw, “Kabaduyan,” “Toinks,” at iba pa. Makakasama ni Maymay si Maris Racal at ang kanyang ka-loveteam na si Edward Barber. Magaganap ang nasabing show sa Hoops Dome Arena sa Lapu-Lapu City, 8 PM. Bumili na ng tickets sa SM Tickets, Ticketworld, SM City Cebu Customer Service, at Rainbow Connections sa halagang P2,200 (VVIP ticket at
meet and greet session), P1,590 (VIP), P990 (gold), P636 (silver), at P336 (bronze). Para sa karagdagang impormasyon, sundan ang Star Music sa Facebook, Twitter, at Instagram @StarMusicPH.