“Umagang Kay Ganda” is putting the spotlight on loving, caring, and resourceful moms once again as the search for the “KusiReyna 2018” begins on September 4 (Tuesday).
Galing sa kusina at talino ng mga nanay, ibibida
Bida muli ang mga maalaga at madiskarteng nanay sa “Umagang Kay Ganda” sa paglulunsad ng search para sa “KusiReyna 2018” sa programa ngayong Martes (Setyembre 4).
Sa darating na linggo magsisimula ang tagisan ng talino at galing sa pagluluto sa studio, kasama ang “UKG” barkada na sina Anthony Taberna, Amy Perez, Jorge Carino, Gretchen Ho, Ariel Ureta, Jeff Canoy, at Winnie Cordero.
Tulad ng sa “Nanay Kong Kay Ganda” noong 2017, naglalakihang premyo rin ang naghihintay para sa tatanghaling “KusiReyna 2018,” kabilang ang lupa’t bahay mula sa Lumina Homes.
Nagsimula nang mag-ikot ang morning show ng bayan sa iba-ibang pook at probinsya sa bansa upang tikman ang mga putaheng hinanda ng mga nais maging unang “KusiReyna.” Dito nakasama pa nila ang mga eksperto sa pagluluto tulad nina celebrity Chef Tatung Sarthou, Bagoong Club executive chef Tristan Bayani, at Kapampangan cooking expert Lillian Borromeo bilang mga hurado.
Samantala, patuloy na naglilingkod ang “UKG” sa pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng Nanay Convention (NanayCon), kung saan nilibot ng “UKG” barkada ang iba’t ibang barangay sa bansa para maghatid ng serbisyo, at bigyang suporta ang mga nanay. Ngayong taon, bumisita na ang NanayCon sa San Jose Del Monte sa Bulacan at Cebu, kung saan nakasama pa sina Renz Verano, Bryan Termulo, and “Boyfie ng Bayan” Marlo Mortel. Tutungo rin ito ng Mindanao sa darating na Setyembre 24 upang magpasaya sa pamamagitan ng Zumba, cooking demo, libreng gupit pampaganda, mga seminar tungkol sa pagnenegosyo, at mga premyo.
Bukod sa “KusiReyna 2018” at NanayCon, kaabang-abang din ang mga “UKG Online Exclusives” na ipino-post ng programa sa social media tampok ang mga sikat na celebrity at loveteams.
Patuloy namang tinututukan ng mga Kapamilya ang “UKG” base sa datos mula sa Kantar Media. Tulad sa mga nakalipas na buwan, panalo ang programa sa ratings sa timeslot nito, at pinangalanang pang Best TV Morning Show ng Lyceum Batangas at Global City Innovative College ngayong taon.
Abangan ang “KusiReyna 2018” at Nanay Convention sa “Umagang Kay Ganda,” na umeere mula Lunes hanggang Biyernes simula 4:55 am ng umaga hanggang 8:00 am sa ABS-CBN at ABS-CBN HD. Panoorin din ang “UKG Online Exclusives” sa Facebook (@umagangkayganda2) at Twitter (@ukgdos).
Para sa mga update, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o pumunta sa www.abscbnpr.com.