News Releases

English | Tagalog

ILIGTAS ANG SANSINUKOB SA “BAGANI: THE CARD GAME”

September 07, 2018 AT 04 : 57 PM

ABS-CBN has transformed the heroic adventure of the recently concluded top rating Kapamilya series “Bagani” in a thrilling new card game, allowing more Filipinos to experience the epic quest, discover its cherished characters, and compete to beat the enemies of Sansinukob.

Maaari nang makibahagi sa laban ng “Bagani”…
 
Mula sa pagiging matagumpay na fantaserye, dadalhin naman ng ABS-CBN ang kabayanihan at galing na ipinamalas sa “Bagani” sa isang card game na magbibigay pagkakataon sa mas maraming Pinoy na madiskubre ang kwento nito,makilala ang mga hindi makakalimutang karakter, at makipaglaban upang protektahan ang mundo ng Sansinukob.
 
Gawa ng Balangay Entertainment at nai-publish naman ng Ludus Distributors, ang “Bagani: The Card Game” ang tabletop adaptation ng nasabing Kapamilya serye na nagbahagi ng kwentong puno ng katapangan, pagmamahal, katarungan, katatagan, at pag-asa mula sa mga bida nito sa kanilang pakikipaglaban.
 
Tampok ang buhay sa Sansinukob, ang “Bagani: The Card Game” ay pwedeng laruin ng dalawa hanggang limang manlalaro na kailangang hingin ang tulong ng mga Bagani upang labanan ang pag-atake ni Sarimaw at ng kanyang mga halimaw dito.
 
Upang magwagi, kailangang magbuo ang mga manlalaro ng mga kombinasyon ng “Bagani” cards tampok ang karakter nina Lakas (Enrique Gil), Ganda (Liza Soberano), Lakam (Matteo Guidicelli), Dumakulem (Makisig Morales), at Mayari (Sofia Andres). May makukuhang dangal points sa tuwing may matatalong halimaw at itatanghal na winner at tagapagtanggol ng Sansinukob ang manlalarong makakuha ng pinakamaraming points.
 
Ipagpatuloy ang pakikipaglaban sa “Bagani: The Card Game.” Bahagi ito ng official “Bagani” merchandise sa ilalim ng ABS-CBN at mabibili sa ABS-CBN Store sa halagang P495. Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang store.abs-cbn.com o sundan ang ABS-CBN Store sa Facebook, Instagram, at Twitter @ABSCBNStore.   
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE