Adrenaline-filled weekends await Filipinos as ABS-CBN brings the country’s newest talent search, “World of Dance Philippines,” with Luis Manzano and Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach as hosts and Billy Crawford, Maja Salvador, and Gary Valenciano as judges, starting this Saturday (January 12) and Sunday (January 13).
Yayanigin ng ABS-CBN ang darating na weekends dahil ang pinakabagong talent search na kagigiliwan ng Pilipino, ang “World of Dance Philippines,” kung saan host sina Luis Manzano at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, at sina Billy Crawford, Maja Salvador, at Gary Valenciano ang mga hurado, ay magsisimula na sa Sabado (Enero 12) at Linggo (Enero 13).
Isa sa mga premyadong hosts ng ABS-CBN si Luis, na ilang beses nang nabigyang ng award para sa kanyang pagho-host. Habang ito naman ang pinakamalaking show na iho-host ng beauty queen.
Ang mga hurado ay hasang-hasa sa pagsasayaw, gaya ni Billy Crawford na sumikat para sa kanyang mga hit songs at cool dance moves sa ilang bansa sa Europa.
Kasamang judge ni Billy ang Her Majesty, Dance Royalty, Maja Salvador. Sumikat siya hindi lang para sa kanyang pag-arte at ganda, kundi pati na rin sa kanyang pagsasayaw, lalo na ang kanyang mga dance battles laban sa iba pang mga dancing celebrities.
Kumukumpleto sa mga judge si Mr. Pure Energy, Gary V, na ilang dekada nang pinapakita ang kanyang electrifying dance moves. Kilala rin ang multi-awarded performer para sa kanyang mga high-energy concerts at mga dance hits na napamahal na sa mga tao gaya ng “Hataw Na,” “’Di Bale Na Lang,” at “Heto Na Naman.”
Makakakuha ng grand prize na dalawang milyong piso ang mananalo, at ng all-expenses paid trip papuntang U.S. para makapag-audition sa “World of Dance,” ang tinaguriang ‘biggest dance competition’ sa mundo.
Tatlong division ang maaring lahukan gamit ang ano mang dance genre— ang Junior para sa walong taong gulang hanggang 17 taong gulang; ang Upper para sa mga edad 18 pataas na may grupo na binubuo ng isa hanggang apat namiyembro; at ang Team para sa mga edad 18 pataas na may grupo na binubuo ng limang miyembro pataas.
Pagdaraanan nila ang Qualifier, Duels, at The Cut rounds hanggang sa umabot sila sa Division Finals kung saan isa na lang ang matitira bawat division. Ang tatlong magwawagi ang siyang maglalaban laban sa Grand Finals.
Ngayong weekend, “Sasayaw na ang Pinoy to be the Best in the World." Abangan ang pagsisimula ng “World of Dance Philippines” ngayong Sabado (pagkatapos ng “MMK”) at Linggo (pagkatapos ng “Rated K”) na sa ABS-CBN.