News Releases

English | Tagalog

'Quezon's Game' ng ABS-CBN humakot ng 12 international film festival awards sa Canada

January 11, 2019 AT 03 : 37 PM

Naging matagumpay ang joint venture production ng Star Cinema at ABS-CBN streaming service na iWant na “Quezon’s Game,” isang pelikulang nagbibigay pugay sa pagliligtas ng dating presidente ng Pilipinas na si Manuel L Quezon sa mga Hudyo at nakapag-uwi ng 12 awards sa Autum Selection of the Cinema World Fest.
 
Matapos ang natamong parangal sa Autumn Selection, makikipaglaban ang “Quezon’s Game” sa iba pang quarterly winners. Nasa kamay ng Cinema World fest ang magiging paborito nila sa taon at ipapalabas ito sa isang gala event na magaganap sa Heron Amphitheatre in Ottawa, Canada ngayong taon. Ang mga manonood din ay makakapili ng kanilang paborito at mabibigyan ng CWFA Trophy.
 
Base sa tunay na pangyayari, ang naturang period movie ay nanalo ng Award of Merit for Drama Feature, samantala ang bida nitong si Raymund Bagatsing na gumanap bilang Manuel Quezon, at si Rachel Alejando na gumanap bilang asawa niyang si Aurora ay nakatanggap ng Award of Excellence for Actor at Actress.
 
Nanalo ng Award of Excellence for Supporting Actor ang American actor na si Billy Callion na gumanap bilang Amerikanong businessman na tumulong kay Quezon.
 
Nakuha naman ni Mattew Rosen, isang award-winning TV commercial at music video director at ang isa sa mga nagtaguyod ng larangan ng data post-production sa bansa, ang Award of Recognition for Directing.
 
Nauwi nina Matthew Rosen at Leo Santos ang Award of Excellence for Lightin; Dean Rosen para sa Award of Excellence for Original Score; Janice Perez at Dean Rozen para sa Award of Excellence for Produced Screenplay; Rowella Talusig at Set Construction Group para sa Award of Excellence for Set Design; Anglea Pereya para sa Award of Excellence for Sound Design; at sina Rowella Talusig at ang kanyang costume team para sa Award of Excellence for Costume Design. Umuwi din panalo si Antonette Gozum na binigyan ng Award of Merit for Color Treatment.
 
Ang hindi masyadokilalang kwentong ito na nangyari noong 1938, ay umiikot sa pagsali ni Manuel L. Quezon sa grupo ng noong magiging presidente pa lamang ng Estados Unidos na si Dwight Eisenhower, at ilan pang kilalang tao sa pagsagip nila sa Jewish refugees mula sa Germany at Austria. Sinubok man ng iba’t ibang dagok--- kabilang ang paglaban ni Quezon sa pagbalik ng kanyang sakit na tuberculosis---nalagpasan ito ng grupo at nailigtas nila ang 1,200 refugees.
 
Sinasabing sa kanyang mga huling sandali sa mundo, nagbitaw pa ng tanong si Quezon na “Could I have done more?” sa kanyang pagbabaliktanaw sa isa sa mga hindi masyado kinalala ngunit makabuluhang kwento sa kasaysayan ng Pilipinas.
 
Ang naturang Cinema World Festival ay ginagawa sa Canada at tumatakbo ng apat na beses: Winter Selection (Disyembre – Pebrero), Spring Selection (Marso– Mayo) , Summer Selection (Hunyo – Agosto), and Autumn Selection (Setyembre – Nobyembre).
 
Magkakaroon ng Philippine premiere ang “Quezon’s Game” ngayong taon at magiging available din sa iWant matapos maipalabas ito sa sinehan.