“Maalala Mo Kaya,” the Asian Academy Creative Awards’ Best Single Drama/Telemovie winner, welcomes the new year with “MMK”-worthy stories of resilience, and fulfillment of hopes and dreams that transcends for the whole month of January.
Sa ilalim ng direksyon nina Theodore Boborol, Darnel Villaflor, at FM Reyes
Sasalubungin ng Asian Academy Creative Awards’ Best Single Drama/Telemovie winner “Maalala Mo Kaya,” ang bagong taon tampok ang mga kwentong pang-“MMK”: puno ng mensahe ng determinasyon, pag-asa, at pangarap, sa buong buwan ng Enero.
Ngayong Sabado, Enero 12, tunghayan ang kakaibang kwento ng pag-ibig nina Barbie Imperial (Alanis) at Paulo Angeles (Hennesy), na ipaglalaban ang kanilang pagmamamhalan sa kabila ng mga komplikasyon sa kalusugan: may chronic kidney disease si Alanis habang si Hennesy naman ay may gastroesophageal reflux disease. Kahit na may sakit, nakaantabay palagi si Hennesy at hindi magpapagamot para laging makasama si Alanis. Dahil sa debosyon sa kasintahan, mas prioridad ni Hennesy si Alanis kaysa sa pag-aaral.
Maghahatid naman ng inspirasyon ang episode ng “MMK” sa Enero 19, tampok ang batikang team captain ng University of the Philippines Fighting Maroons na si Paul “King Maroon” Desiderio (Ronnie Alonte). Tinalikdan nito ang pangarap na maging piloto at sinunod ang pangarap ng ama na siya’y maging basketbolista. Matapos dumating ang pagkakataong makapaglaro para sa University of the Visayas basketball team, dadalhin si Paul ng tadhana sa University of the Philippines kung saan magiging bahagi siya ng makasaysayang UAAP championship comeback ng unibersidad.
Iiral ang pag-asang hatid ng pagmamahalan nina Mitch at Dudz na isang bakla at lesbyana, kung saan itataguyod nila ang sarili at pamilya – kasama ang pagkakaroon ng anak mula sa sariling dugo – sa makapukaw-atensyong episode sa Enero 26.
Magtagumpay kaya ang pangarap at pag-asa ng mga kwentong pang-MMK?
Magbahagi ‘din ng mga kwentong pang-MMK sa social media. Dahil may kwento ka, pang-MMK ka! Kapamilya, Share na! Gamitin lamang ang hashtags na #MMK2019 #KapamilyaShareNa.
Panoorin ang longest-running drama anthology sa Asya, ang “MMK,” tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.