News Releases

English | Tagalog

Nietes, kita na ang panalo ni Pacquiao sa Linggo

January 16, 2019 AT 05 : 48 PM

Donnie "Ahas" Nietes believes Pacquiao can take down Adrien Broner.

Naniniwala si Donnie “Ahas” Nietes, ang pinakamatagal na kampeon sa boksing ng Pilipinas, na magandang laban ang matutunghayan ng mga Pilipino sa Linggo (Enero 20) sa pagitan nina Manny Pacquiao at Adrien Broner sa Las Vegas, USA.

 

Ani Nietes, na kagagaling lang sa panalo noong Disyembre sa “Pinoy Pride Presents: Nietes vs Ioka,” hindi basta-basta ang makakaharap ni Pacquiao (60-7-2, 39 KOs), na itataya ang kanyang WBA Welterweight world championship belt.

 

“Magandang laban iyun dahil magaling ‘yun si Broner,” pahayag ni Nietes sa isang panayam sa ABS-CBN.

 

May record na 33-3-1 at 24 knockouts si Broner na kilala sa kanyang matinding depensa at pagiging dating kampeon sa WBA Welterweight division. Pero paninindigan ni Nietes, magwawagi pa rin dito si Pacquiao na sa edad na 40 ay nananatiling mabilis at malakas, tulad niya.

 

“Sa tingin ko, kung hindi mapatumba ni Manny si Broner, kakayanin naman sa decision,” paliwanag ng pambato ng Murcia, Negros Occidental.

 

Sa Cebu panonoorin ng 36 taon gulang at bagong WBO Super Flyweight world champion ang bakbakang Pacquiao-Broner, kung saan siya nag-eensayo habang naghihintay ng kanyang susunod na laban. Gumawa ng kasaysayan si Nietes kamakailan lang pagkatapos maging ikatlong Pilipinong boksingero na nag-kampeon sa apat na weight division, kasama nina Pacquiao at Nonito Donaire Jr.

 

Samantala, mapapanood ng lahat ng subscribers ng SKYcable, One SKY, at SKYdirect ng LIVE ang laban sa SKY Sports PPV para sa halagang P949. Tumawag lang sa 418 0000 o sa lokal na opisina ng SKY, o bumisita sa www.mysky.com/pacman para mag-subscribe. Ang mga subscribers ng SKYcable at One SKY Fiber with HD ay maaari ring mag text ng PACMAN sa 23662. Para sa SKYdirect postpaid subscribers, itext lang ang SKY sa 23668, habang ang prepaid subscribers ay pwedeng magtext ng PPV BOXING <BOX ID> sa 23667 (available sa Globe Prepaid at TM). Samantala, makakapanood naman ang SKYcable subscribers sa kanilang TV o device sa pamamagitan ng SKY on Demand habang ang One Sky Fiber subscribers na walang cable ay maaari ring manood sa pamamagitan ng SKY On Demand.