News Releases

English | Tagalog

DZMM, patuloy ang pagkilatis sa mga kandidato sa “Ikaw Na Ba" election special

January 28, 2019 AT 06 : 06 PM

DZMM continues to help Filipinos answer this question with its election special “Halalan 2019 Ikaw Na Ba: The DZMM Senatorial Candidates’ Interview” on DZMM Radyo Patrol 630 and watched on DZMM TeleRadyo and the DZMM TeleRadyo Facebook

DZMM, una pa rin sa Mega Manila
 
Sino sa mga kandidato ang karapat-dapat na umupo sa Senado at paano makapipili ng tamang iboboto sa paparating na eleksyon?
 
Kasama ng sambayanang Pilipino ang DZMM sa pagsagot ng mga katanungang ito sa pamamagitan ng election special na “Halalan 2019 Ikaw Na Ba: The DZMM Senatorial Candidates’ Interview” sa DZMM at DZMM TeleRadyo.
 
Magmula Nobyembre 2018, 28 na mga tatakbong senador na ang sumabak sa programa para ihayag ang kanilang mga plataporma at adbokasiya, sagutin ang mga akusasyong ibinabato sa kanila, at patunayang sila ang dapat na iboto ng mga Pilipino sa Halalan 2019. Sila ay sina Abner Afuang, Rep. Gary Alejano, Rafael Alunan III, Sen. Bam Aquino, Atty. Ernesto Arellano, Atty. Glenn Chong, Neri Colmenares, Atty. Chel Diokno, Sen. JV Ejercito, and Atty. Larry Gadon. Lumahok din sina Conrado Generoso, Atty. Florin Hilbay, RJ Javellana, Atty. Romulo Macalintal, Jiggy Manicad, Gov. Imee Marcos, Atty. Sonny Matula, Atty. Allan Montaño, Dr. Willie Ong, at Sergio Osmeña III, maging sina Juan Ponce Enrile, Atty. Harry Roque, Manuel Roxas III, Lady Ann Sahidula, Atty. Erin Tañada, Francis Tolentino, Samira Gutoc, at Antonio Butch Valdez.  
 
Sa pamamagitan ng mga DZMM anchor na sina Peter Musñgi at Pat-P Daza ng “Pasada Sais Trenta” at sina Anthony Taberna at Gerry Baja ng “Dos Por Dos,” nahingan sila ng mga tugon sa sa mga maiinit na isyu sa lipunan tulad ng pederealismo, pagtaas ng presyo ng bilihin, ekonomiya, Bangsamoro Organic Law (BOL), isyu sa pabahay at trapik, at iba pa.
 
Ang “Halalan 2019 Ikaw Na Ba: The DZMM Senatorial Candidates’ Interview”  ay bahagi ng “Halalan 2019” coverage ng ABS-CBN News na may layuning maghatid ng komprehensibong pagpapabalita ngayong halalan, kung saan ang bawat Pilipino ay maaaring makilahok sa mga diskusyon ngayong eleksyon sa pamamagitan ng social media platform at text line ng DZMM.
 
Samantala, nangunguna pa rin ang premyadong DZMM Radyo Patrol 630 sa mga nakikinig ng radyo sa Mega Manila base sa Kantar Media AM Radio Survey noong Nobyembre 21 hanggang 27 para sa ikaapat na bahagi ng 2018. Nakakuha ang DZMM ng audience share na 30.4 percent, mas mataas sa DZBB at DZRH na nakakuha lamang ng 29.8 percent at 16.6 percent na audience share. Itinanghal rin ang DZMM bilang AM Radio Station of the Year ng mga estudyante ng PUP kamakailan lang.
 
Panoorin at pakinggan ang “Halalan 2019 Ikaw Na Ba: The DZMM Senatorial Candidates’ Interview”  series tuwing Martes at Huwebes kasama sina Peter Musñgi, Pat-P Daza, Anthony Taberna at Gerry Baja simula 4:30 hanggang 6:30 pm sa DZMM TeleRadyo at DZMM Radyo Patrol 630. Panoorin rin ito online sa iwant.ph, sa skyondemand.com.ph, o sa dzmm.com.ph. Sundan ang @DZMMTeleradyo sa Facebook sa Twitter para sa mainit na balita. Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNpr sa Facebook, Twitter, at Instagram at pumunta sa abscbnpr.com.