News Releases

English | Tagalog

Xia, Chunsa, Onyok, at Marco, mga "Batang Bibo ng Kalikasan"

January 29, 2019 AT 02 : 50 PM

ABS-CBN Lingkod Kapamilya Bantay Kalikasan (BK) marks its 20th anniversary with the launch of Batang Bibo ng Kalikasan – a music video that encourages children and the general public to do their part, big or small, for the environment, featuring child celebrities Xia Vigor, Chunsa Jung, Xymon “Onyok” Pineda, and Marco Masa.

Bantay Kalikasan, inilunsad ang kampanya kontra plastic
 
Ginunita ng ABS-CBN Lingkod Kapamilya Bantay Kalikasan (BK) ang ika-20 anibersaryo nito sa paglunsad ng “Batang Bibo ng Kalikasan” music video tampok ang mga Kapamilya child stars na sina Xia Vigor, Chunsa Jung, Xymon “Onyok” Pineda, at Marco Masa.
 
Sa awitin, inuudyok nina Xia, Chunsa, Onyok, at Marco, ang kanilang mga kapwa bata at ang publiko na gawin ang kanilang makakaya upang pangalagaan ang kalikasan.
 
Unang ipinarinig ng apat na batang ambassador ng Bantay Kalikasan ang awitin kahapon (Enero 28) sa “Umagang Kay Ganda.” Dito nagpayo sila sa publiko na imbes na gumamit ng plastic na isang beses lang pwedeng gamitin, gumamit na lang ng mga baunan, inuman, at iba pang lalagyan na maaaring gamitin ng paulit-ulit.
 
Ayon sa World Animal Protection, 80% ng “microplastics” ay mula sa mga bote at supot na gawa sa plastic. Tone-toneladang plastic na raw ang bumabara sa mga daluyan ng tubig na siyang nagiging dahilan ng mga pagbaha. Ang mga plastic na ito rin ang ikinamatay ng maraming hayop sa dagat na hindi makikita sa ibang lugar.
 
Pasimula lamang ang paglunsad ng kampanyang “Batang Bibo ng Kalikasan” ngayong Enero, na siyang Zero Waste Month, sa mga aktibidad ng Bantay Kalikasan para ipagdiwang ang dalawang dekada nitong pagpapalaganap ng kaalaman sa kalikasan at pagsagawa ng mga proyektong tumutugon sa lumalalang kondisyon nito.
 
Nagsagawa rin ang BK ng Recyclables Event sa Center Road ng ABS-CBN Compound noong Enero 28 para sa mga empleyado at bisita na nais magbigay ng kanilang mga gamit na PET bottles, papel, karton, styro, gamit na bakal, sirang kagamitan sa opisina, babasaging bote, at mga aluminum waste.
 
Panoorin ang “Batang Bibo ng Kalikasan” music video dito: https://www.youtube.com/watch?v=yEd-VPfjahQ. Para sa karagdagang impormasyon sa Bantay Kalikasan, bisitahin ang www.abs-cbnfoundation.com o sundan ang @ABSCBNFoundationKapamilya sa Facebook. Para sa updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o bumisita sa www.abscbnpr.com

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE