Patok sa netizens ang dalawang bagong iWant original movies na “The Gift” at “S.P.A.R.K.” na nagsilbing pagbabalik-tambalan nina Nash Aguas at Sharlene San Pedro, at Andrea Brillantes at Grae Fernandez.
Sa muling pagsasama ng NashLene sa “The Gift,” ginagampanan ni Nash si Cocoy (Nash) na may Asperger syndrome, isang kondisyon na may kaugnayan sa kahirapan ng isang tao na makihalubilo, habang may sakit sa puso naman si Tina. Dahil na rin sa pag-asang mabibigay nila sa isa’t isa, isang pag-iibigan ang mabubuo.
Bukod sa kilig na ipinaramdam ng dalawa sa kanilang reunion project, inulan ng papuri ang palabas sa pagbibigay nito ng kamalayan ukol sa mental health. Marami rin ang pumuri sa acting ni Nash Aguas bilang isang taong may developmental disorder. Sa loob ng tatlong oras matapos mailabas ang pelikula sa iWant, pumasok ang hashtag na #WatchTheGiftOnIwant sa listahan ng trending topics sa Twitter Philippines.
“Tinatalakay nito ang kaalamanan sa mental illness. May matututunan ka,” sabi ng Twitter user na si @itsmerainrain2.
“Love this movie kasi hindi lang tungkol sa love, family, and hope. Tungkol din sa iba-ibang psychological disorders na pwedeng maranasan ng tao, “ komento ni @itisMissAaa. Dagdag pa ni @zaynaness, “Gusto ko talagang purihin si @AguasNash01.. Psychology major ako at masasabi ko talagang sakto ang pagganap niya, pinag-aralan talaga. Nakaka-proud!”
“Sobrang ganda ng storya pati ang gagaling pa umarte ng casts lalo sina Sharlene at Nash. Kumpleto ito, patatawanin, pakikiligin at paiiyakin ka. Hindi sayang oras mo!,” anyaya naman ng Twitter user na si @paulineeeee24.
Katulad ng “The Gift,” mainit din ang naging pagsalubong ng fans sa pagbabalik ng love team nina Andrea at Grae na huling napanood sa Kapamilya seryeng “Ikaw Lang Ang Iibigin.” Sa “S.P.A.R.K.,” makikilala ng iWant subscribers si Drei, isang pasaway na estudyanteng taga-Maynila na nakasira ng isang burnayan o pottery barn. Bilang parusa, makakasama niya si Beth, isang masayahing babaeng lumaki sa probinsya na tuturuan siya sa paggawa ng mga palayok. Magkagalit sa simula ang dalawa hangga’t sa lumalim ang kanilang samahan na maaaring humantong sa higit sa pagkakaibigan.
Damang dama nina Andrea at Grae ang suporta at paghanga ng fans dahil umani ang kanilang digital movie ng magagandang papuri mula sa online world. Ayon sa netizens, may spark pa rin ang tambalan nina Andrea at Grae at napabilib din sila sa pagganap ng dalawa sa roles nina Beth at Drei.
“Ang cute ng #GraeDrea, ang ganda rin story ng movie nila. Nakakakilig sila. Sana magka-movie rin sila sa big screen at sana magkaron pa ng maraming palabas si Grae Fernandez,” komento ni @Czarmiah.
Mapapanood na ang “The Gift” na idinirek ni Onat Diaz at ang “S.P.A.R.K.” na idinirek naman ni Carlo Po Artillaga, sa iWant sa pamamagitan ng iOS o Android apps o via web browser sa iwant.ph. Mas maraming manonood na rin ang makakapag-enjoy sa latest offerings ng iWant dahil maaari na itong i-connect sa TV gamit ang Chromecast at Apple Airplay.
Maaari ring mapanood kahit saan at kahit kailan ng mobile subscribers ang mga palabas at pelikula sa iWant. Para sa Smart, TNT, at Sun subscribers, mag-register lang sa Smart Gigasurf 99 na may Video Every Day sa halagang P99, at may kasama nang 2 GB data na pang-surf at dagdag na 1 GB kada-araw ito para sa isang oras na panonood ng videos na valid ng pitong araw. Para sa Globe subscribers naman, maaaring mag-stream sa halagang P29 sa pag-register sa GoWATCH. I-text lang ang GOWATCH29 to 8080 para sa 2GB o pataas na data para sa limang oras na panonood sa iWant at iba pang video apps na valid para sa isang araw.
Para sa updates, i-like ang
www.facebook.com/iWant, i-follow @iwant sa Twitter at @iwantofficial sa Instagram, at mag-subscribe sa
www.youtube.com/iWantPH.