The year 2018 may have ended in a sad note for thousands of families that were affected by Typhoon Usman, but the love and support from Filipinos around the world gave them relief and hope as they ushered in the new year from the evacuation centers.
Bagong school building ng ALKFI sa Ormoc, magagamit na
Malungkot man ang Pasko para sa libu-libong pamilyang nasalanta ng Bagyong Usman, ngunit sa tulong at pagmamalasakit ng mga Pilipino sa iba’t ibang lugar, mas gumaan ang pagsisimula ng bagong taon.
Noong Enero 7, umabot na sa higit 5,000 pamilyang nasalanta ng bagyo at paguguho ng lupa mula sa Mindoro, Camarines Sur, Albay, at Sorsogon ang nabigyan ng food packs at relief goods sa pamamagitan ng Operation Sagip ng ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation Inc. (ALKFI). Nagmula ito sa mga donasyong inabot ng mga Pilipino sa iba’t ibang parte ng mundo.
Sa “TV Patrol,” ikinuwento ni Crisanta Dacir mula sa Tiwi, Albay, na hindi kinaya ng kanilang bahay ang pagtaas ng lebel ng tubig ng ilog sa tabi nito. Natangay rin ng tubig ang lahat ng kagamitan ng pamilya niya. Para naman kay Charilyn Gonzalez ng Camarines Sur, hindi lang bahay ang nawala sa kaniya noong gumuho ang lupa sa tinatayuan ng bahay nila. Namatay ang tatlo niyang anak dahil dito.
“Noong natabunan ang bahay namin, nandito ako sa baba. Humingi ako ng tulong noong nakita kong may liwanag sa taas. Ang hinahanap pa ngayon ang tatlo ko pang anak na namatay na talaga,” saad ni Charilyn.
Samantala, patuloy na gumagawa ang ALKFI ng mga proyektong may layunin na tulungang umunlad ulit ang mga probinsyang naapekto ng Bagyong Yolanda. Isa sa mga legacy project nito ay isang multi-purpose school building sa Ormoc, Leyte, na pormal na binuksan kamakailan lang. Mananatili itong mga bagong classroom na pwede rin maging evacuation center para sa mga residente dito. May mga pasilidad rin ito para sa training laboratories para sa food service at hospitality training para sa mga mag-aaral ng senior high school.
Isa sa mga makikinabang dito si Julius Cabusas, isang 17-anyos na grade eight student na nagtatrabaho tuwing Sabado at Linggo para tustusan ang pagaaral niya at ang pangarap niyang maging chef.
“Excited na ako pumasok dito. Kahit mas malayo ito sa bahay namin, dito ko piniling pumasok kasi mas madaming guro, at kumpleto ang mga gamit,” aniya.
Ang Operation Sagip ang programa ng ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation, Inc. na nag-aabot ng iba’t ibang klaseng tulong sa mga apektado ng kalamidad at panganib.
Para sa impormasyon kung paano makatulong sa proyektong sa Operation Sagip, pununta sa
www.abs-cbnfoundation.com o sa Facebook page,
www.facebook.com/abscbnfoundationkapamilya. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o pumunta sa
www.abscbnpr.com.