News Releases

English | Tagalog

“Sports U,” “Rated K,” at “Matanglawin,” may pararangalanna tatlong batang role model

October 25, 2019 AT 09 : 33 AM

A young national athlete who helps his parents, a music prodigy who excels in school, and an aspiring engineer who loves the environment, will get to meet and inspire other kids this Saturday (October 25) at the “Ayos Ka Kid” Halloween Family Fair Year 3 in Starmall Alabang.

Ayos Ka Kid,” handog ang Halloween Family Fair Year bukas sa Starmall Alabang

Isang matulunging atleta, isang musikerong masigasig sa pag-aaral, at isang nangangarap na maging inhinyerong may pagmamahal sa kalisakan ang magbibigay inspirasyon sa kapwa nila bata ngayong Sabado (Oktubre 25) sa “Ayos Ka Kid” Halloween Family Fair Year 3, na gaganapin sa Starmall Alabang.
 
Ibabahagi ng baseball player na si Christian Marantal, ang music prodigy na si Carl “Sage” Araneta, at ang environmentalist-in-the-making na si Hilary “Rhed” Geocado ang kanilang mga kwento bukas sa event na handog ng ABS-CBN News para mas tumibay pa ang samahan ng pamilya at maisulong ang pagkakaroon ng magandang asal sa kabataan.
 
Mga palaro, libreng mga serbisyo, at papremyo ang naghihintay sa buong pamilya sa Halloween Family Fair. Bukod dito, handog din ng ABS-CBN News ang performances mula sa Kapamilya artists, na pangungunahan ng mga bidang chikiting sa sikat na children’s show na “Team YeY!” ng ABS-CBN TVplus.
 
Pwede ring manalo ng espesyal na regalo ang mga batang tatanghaling best in Halloween costume sa programang pangungunahan ni Winnie Cordero ng “Umagang Kay Ganda” at DJ Chinapas ng MOR 101.9.
 
Unang ipinamalas ang makabuluhang kwento nina Christian, Sage, at Rhea sa “Ayos Ka Kid” segment ng “Sports U,” “Rated K,” at “Matanglawin.” Habang unti-unting napapansin sa Asia Pacific baseball ang 10 taong gulang na si Christian, pinahahalagahan pa rin niya ang nakuhang scholarship para makatapos at makatulong sa pamilya. Katulad niya, hindi rin pinapabayaan ni Sage ang pag-aaral, sa kabila ng pagsali sa mga contest kung saan pinakikita niya ang galing sa pagpapatugtog ng iba-ibang instrument. Nakiisa naman si Rhed sa grupong “Basura Kids,” na naglilinis ng estero sa kanilang barangay para mapuksa ang dengue at mapanatiling malinis ang kanilang kapaligiran.
 
Dahil sa pagiging mabuting ehemplo sa kabataan nina Christian, Sage, at Rhed, paparangalan sila ni ABS-CBN News ecosystem head Ces Orena-Drilon ngayong Sabado sa naturang Halloween Family Fair.
 
Huwag palampasin ang pagkakataong makilala sina Christian, Sage, at Rhed at mag-bonding kasama ang pamilya sa “Ayos Ka Kid” Halloween Family Fair Year 3 bukas (Oktubre 25) sa Starmall Alabang. Magsisimula ng 10 am ang registration. Gamitin ang hashtag na #AyosKaKidHalloweenYear3 para ibahagi ang masasayang larawan at karanasan sa fair.
 
Abangan ang iba pang magagandang kwento sa “Ayos Ka Kid” segment ng “Sports U” tuwing Huwebes pagkatapos ng Bandila, sa “Matanglawin” tuwing 9:45 a.m. ng Linggo, at sa “Rated K” tuwing 6 pm ng Linggo sa ABS-CBN. Mapapanood din ito sa iWant. Para sa karagdagang updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.