News Releases

English | Tagalog

Carmelle, Cyd, at Vanjoss magsasagupaan para sa boto ng publiko sa "The Voice Kids" finals

October 30, 2019 AT 12 : 45 PM

Three young artists will fight for their dreams and future as they sing their hearts out and woo the public to vote for them in the “The Voice Kids: The Finals."

Tatlong batang taglay ang mga higanteng boses ang itatayo ang bandera ng mga team nina coach Lea Salonga, Bamboo, at Sarah Geronimo sa pagsasalpukan nila ngayong weekend (Nobyembre 2 at 3) sa “The Voice Kids: the Finals,” kung saan tanging boto ng mga manonood ang pipili ng mananalo.
 
Handa na ang entablado kina Cyd Pangca ng FamiLea, Carmelle Collado ng Kamp Kawayan, at Vanjoss Bayaban ng Team Sarah, ang final three young artists na maglalaban-laban para sa titulong pinakabago at ikaapat na grand champion ng kumpetisyon.
 
Baon ang mga karanasang nagpatibay sa kanya, ipaglalaban ni Cyd, 11, mula Bukidnon ang kanyang pangarap na patunayan ang sarili. Isang multi-talented at passionate na vocalist, nagbabalik si Cyd sa “The Voice Kids” bilang three-chair turner noong blind auditions matapos ma-bully noong nakaraang season dahil hindi siya nakalagpas ng battle rounds.
 
Inaalay naman ni Carmelle, 11, ng Camarines Sur ang kanyang performance sa finals para sa pamilya niya ng mga mang-aawit, lalo na sa kanyang lola na minsan nang naging kontesera kagaya niya. Gumawa si Carmelle ng marka sa season na ito para sa kanyang mga eksplosibong bersyon ng mga awitin ng mga sikat na foreign at local diva.
 
Laban naman para sa kinabukasan ng kanyang pamilya ang inspirasyon ni Vanjoss, 12, ng Pangasinan para makuha ang kampeonato. Matapos mapaikot ang tatlong coaches sa audition, nakatuon ang atensyon ng batang balladeer sa tagumpay para sa pangarap na mapauwi ang inang domestic helper mula sa Hong Kong.
 
Bukod sa tatlong young artists, ang magaganap na finals ay paglalaban-laban din ng tatlong respetadong coaches para sa kanilang ikalawang “The Voice Kids” championship pagkatapos ni Lyca Gairanod ng Team Sarah, Elha Nympha ng Kamp Kawayan, at Joshua Oliveros ng FamiLea.
 
Dapat na tutukan ang huling salpukan ngayong weekend para makaboto online o sa pamamagitan ng text dahil ito ang magiging basehan ng tatanghaling “The Voice Kids” grand winner.
 
Isang buhay ang magbabago at isang pangarap ang matutupad – kanino kaya ito? Sino kina Cyd, Carmelle, at Vanjoss ang magwawagi sa huli?
 
Huwag palampasin ang “The Voice Kids: The Finals” ngayong weekend (Nobyembre 2 at 3), live mula sa Resorts World Manila, sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Panoorin din ang episodes nito sa iWant app (Android at iOS) o iwant.ph. Para naman sa updates, i-like ang www.facebook.com/TheVoiceABSCBN, sundan ang @TheVoiceABSCBN sa Twitter o @abscbnthevoice sa Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/ TheVoiceKidsABSCBN.