News Releases

English | Tagalog

MNL48, Kapamilya pa rin

October 05, 2019 AT 03 : 09 PM

(L-R) ABS-CBN head of TV production Laurenti Dyogi, COO for broadcast Cory Vidanes, president and CEO Carlo Katigbak, Hallohallo Entertainment president Paulo Kurosawa, chairman Mark Lopez, Star Music head Roxy Liquigan, MLD Entertainment official Lee Hyoungjin, head of treasury Rick Tan, and Star Hunt business unit head Raymund Dizon and members of MNL48

Nananatiling Kapamilya ang MNL48, ang pinakaunang female idol group sa bansa, matapos nilang pumirmang muli ng co-management contract sa ABS-CBN noong Biyernes (Oktubre 4).
 
Pinangunahan ng MNL48 Senbatsu members na sina Sela, Abby, Sheki, Jamie, Rans, Gabb pati na rin ang MNL48 Under Girls na sina Coleen, Brei, at Belle ang contract signing na naganap sa ABS-CBN. Maraming loyal fans ang na-excite sa balita kaya naman nag-trend ang hashtag na#MNL48inABSCBN sa top spot sa Twitter sa bansa.
 
Sunod-sunod ang proyekto ng mga dalaga tulad na lang ng nalalapit na pag-release ng kanilang ikalimang single sa ilalim ng Star Music, ang kauna-unahang team concert nila ngayong Oktubre, at isang behind-the-scenes documentary tungkol sa first generation ng girl group na pinamagatang “ICYMI: I See Me (The MNL48 Documentary).” Bibida rin ang mga miyembrong sina Abby, Kay, Coleen, at Brei sa international movie adaptation ng hit manga serye na “Seikimatsu Blue,” na unang mapapanood sa Japan ngayong darating na Enero 2020.
Dumalo sa pirmahan ng kontrata ang ABS-CBN chairman na si Mark Lopez, president at CEO na si Carlo Katigbak, COO of broadcast na si Cory Vidanes, TV production head na si Laurenti Dyogi, Star Music head na si Roxy Liquigan, Star Hunt business unit head na si Raymund Dizon, head of treasury na si Rick Tan, MNL48 talent manager na si Gio Medina, at Hallohallo Entertainment president na si Paulo Kurosawa.
 
Nabuo ang sing-and-dance group na MNL48 sa pangunguna ng ABS-CBN at Hallohallo Entertainment ng Japan, habang ang mga miyembro nito ay masusing pinili sa talent search na tumagal nang apat na buwan sa “It’s Showtime” noong 2018.
 
Sa ilalim ng ABS-CBN at Star Music, nakapag-release ang MNL48 ng anima na singles tulad ng “Aitakatta – Gustong Makita,” “Talulot Ng Sakura,” “Amazing Grace,” “Palusot Ko’y Maybe,” at naging interpreter ng Himig Handog 2018 entry na “Dalawang Pag-Ibig Niya” kasama sina Sheena Belarmino and Krystal Brimner.
 
Ang MNL48 ang international sister group ng highest-selling J-pop phenomenon na AKB48.
 
Para sa iba pang updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin angwww.abscbnpr.com.
 
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE