News Releases

English | Tagalog

Mga mag-aaral sa Luzon, maraming natutunan sa Pinoy Media Congress Caravan ng ABS-CBN

October 09, 2019 AT 12 : 47 PM

Over 400 college and senior high school students from ten schools in Northern Luzon had a fun and inspiring learning experience about the different facets of the media industry in the first leg of the ABS-CBN Pinoy Media Congress (PMC) Caravan held recently at Saint Louis University (SLU) in Baguio City.

Pinoy Media Congress Caravan, biyaheng Cavite naman
 
Higit sa 400 na mag-aaral sa kolehiyo at senior high school mula sa sampung paaralan sa Northern Luzon ang nag-uwi ng mas malalim na kaalaman at pagpapahalaga sa larangang gusto nilang pasukan sa media sa unang leg ng ABS-CBN Pinoy Media Congress (PMC) Caravan na ginanap kamakailan sa Saint Louis University (SLU) sa Baguio City.


Pinangunahan ng premyadong broadcast journalist na si Chiara Zambrano, Star Music head of music publishing and new media Atty. Marivic Benedicto, at ABS-CBN Film Restoration head Leo Katigbak ang PMC Caravan na dinaluhan ng mga estudyante ng SLU, University of Baguio, Urdaneta City University, University of the Cordilleras, Jinan University, Universitas Islam Kalimantan, Universitas Muhammadiyah Prof. Dr. Hamka, SLU Senior High School, University of Baguio Senior High School, at Sablan National High School.



Para sa delegadong si Don Asuncion, natutunan niya sa session ni Chiara ang kahalagahan ng pagbabalita ng katotohanan na nagpasiklab sa pangarap niyang maging isang mamamahayag na laging obligasyong isiwalat ang katotohanan. Laking pasasalamat naman ng estudyanteng si Amando Razalan kay Atty. Marivic dahil mas naiintindihan na niya ang takbo ng industriya ng musika sa bansa at mas na-inspire siyang ipagpatuloy ang kanyang pangarap sa buhay.

Napulot naman ni Patricia Ann Razon Leo na bahagi ng kultura ng Pilipino ang mga pelikula kaya kailangan itong mapangalagaan at maipasa sa susunod na henerasyon.



Bukod sa sessions ng mga eksperto mula sa Kapamilya network, nagkaroon din ng libreng pagpapalabas ng klasikong pelikulang “Kung Mangarap Ka’t Magising” at workshop sa paggawa ng dokumentaryo sa pangunguna ni ABS-CBN DocuCentral production unit head Carmina Reyes. Nahikayat din ni Knowledge Channel head Danie Sedilla-Cruz ang mga estudyante na sumali sa “Class Project: Intercollegiate Mini-Documentary Competition.”



Samantala, ginanap naman ang pangalawang Pinoy Media Congress Caravan sa Lyceum of the Philippines University-Cavite noong Oktubre 15, kung saan nagbahagi ng kaalaman ang batikang mamamahayag na si Jeff Canoy, ABS-CBN business unit head Pete Dizon, ABS-CBN head of creative communications management division Robert Labayan, at ABS-CBN Film Restoration head Leo Katigbak. Proyekto ng ABS-CBN at Philippine Association of Communication Educators (PACE) ang PMC Caravan, na isang ekstensyon ng “Pinoy Media Congress” na kanilang isinasagawa taun-taon upang tulungang ihanda ang mga kabataan sa papasukin nilang industriya sa media. Nakatakda ring lilibot sa Cebu at Davao ang PMC Caravan ngayong taon.

Para sa detalye sa PMC at PMC Caravan, sundan ang @ABSCBNPMC sa Facebook at Instagram. Para sa impormasyon sa “Class Project: Intercollegiate Mini-Documentary Competition,” bisitahin ang www.pinoymediacongress.com. Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abscbnpr.com.