News Releases

English | Tagalog

Ted Failon, eksklusibong nakapanayam si Pangulong Duterte para sa “Failon Ngayon” 10th anniversary special

November 13, 2019 AT 03 : 22 PM

President Rodrigo Roa Duterte grants an exclusive interview with broadcast icon Ted Failon to answer the pressing issues faced by Filipino farmers in the second part of “Failon Ngayon’s” "Wakas sa Paggapas?" 10th anniversary special this Saturday (November 16) on ABS-CBN and iWant.

Sasagutin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang maiinit na isyu sa estado ng agrikultura ng Pilipinas sa eksklusibong panayam sa kanya ni Ted Failon ngayong Sabado (Nobyembre 16) para sa ikalawang bahagi ng “Wakas ng Paggapas?” 10th anniversary special ng “Failon Ngayon” sa ABS-CBN at iWant.

Sa pagpapatuloy ng paghimay ng programa sa mga problemang kinahaharap ng ating mga magsasaka, ilan pang kasayangan ng pondo ng bayan para sa agrikultura ang isisiwalat ng programa.

Bukod sa mga makinaryang hindi mapakinabangan, natuklasan ng “Failon Ngayon” na mayroon pang mga kagamitan na milyon-milyon ang halaga na naka-tengga lang sa halip na naipamahagi at napagamit sa mga magsasaka. Dagdag pa riyan ang mga proyektong patubig na hindi pa rin naisasakatuparan.

Ang mga ito ang ilan lang sa mga bagay na nagpapahirap sa ating mga kababayan at naguudyok sa kanilang iwan na lang ang pagsasaka. Kaya naman sa bihirang pagkakataon, haharap si Pangulong Duterte kay Ted Failon upang diretsuhang sagutin ang mga isyu sa kalagayan ng ating agrikultura.

May pag-asa pa ba sa sektor ng pagtatanim ng palay sa bansa? Alamin ang sagot sa ikalawang bahagi ng “Wakas ng Paggapas?” 10th anniversary special ng “Failon Ngayon” tampok ang one-on-one interview ni Ted Failon kay Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Sabado (Nobyembre 16), 11 pm sa ABS-CBN at iWant. Sundan ang “Failon Ngayon” sa Facebook (www.Facebook.com/failon.ngayon.fanpage) at Twitter (www.Twitter.com/ Failon_Ngayon). Sumali sa diskusyon online, gamitin ang hashtag #FailonNgayon.

Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Instagram, at Twitter o bumisita sa www.abs-cbn.com/newsroom.