News Releases

English | Tagalog

Kwento ng pagbangon, ibabahagi ng 'Yolanda' survivors sa "Paglaum" dokyu

November 14, 2019 AT 02 : 09 PM

ABS-CBN News revisits how typhoon Yolanda, one of the world’s strongest super typhoons, affected the lives of many Filipinos when it hit the country on 8 November 2013. Six years after the country’s worst typhoon, survivors come forward to tell how they are rebuilding their lives and their difficult journey to healing, in a special documentary that will premiere on Sunday (November 17) at 10:15 am on ABS-CBN and iWant.

ABS-CBN, gugunitain ang anibersaryo ng bagyong Yolanda sa Linggo
 
Muling sasariwain ng ABS-CBN News kung paano nabago at napinsala ng bagyong Yolanda, isa sa pinakamalakas na super typhoon sa kasaysayan, ang buhay ng libo-libong Pilipino noong nanalasa ito sa bansa noong Nobyembre 8, 2013. Anim na taon makalipas ang delubyo, ibabahagi ng mga nakaligtas sa “Yolanda” kung paano sila nagsumikap na unti-unting makabangon sa isang espesyal na dokumentaryong eere ngayong Linggo (Nobyembre 17) sa ABS-CBN at iWant.

Tampok sa dokyu na pinamagatang “Paglaum (pag-asa), Magkasama sa Pagbangon” ang mga makapukaw-damdamin na mga kwento ng Yolanda survivors na inalala ang mapait nilang karanasan. Bida rin sa dokyu kung paano sila muling nagkaroon ng lakas ng loob na patuloy na harapin ang mga hamon ng buhay.

Ipapakita rin sa “Paglaum, Magkasama sa Pagbangon” ang pagbuhos ng pagmamahal at suporta ng mga volunteer, donor, at partner sa mga nasalanta, at ang patuloy na pagtulong ng mga organisasyon tulad ng Sagip Kapamilya ng ABS-CBN Foundation upang makabangon at makaahon ang mga pamilyang naapektuhan ng bagyo.

Panoorin ang dokumentaryong “Paglaum, Magkasama sa Pagbangon” na hatid ng ABS-CBN DocuCentral ngayong Linggo (Nobyembre 17) bago ang “ASAP Natin ‘To” sa ABS-CBN. Mapapanood din ito ng libre via livestream sa iWant. Para sa mga update tungkol sa mga dokyu, i-follow ang @DocuCentral sa Facebook, Twitter, at Instagram. Para sa karagdagang impormasyon, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang abs-cbn.com/newsroom.