News Releases

English | Tagalog

NU, habol ang ika-anim na korona sa 2019 UAAP Cheerdance Competition sa ABS-CBN S+A at iWant

November 17, 2019 AT 10 : 20 AM

Don’t miss one of the most anticipated events in UAAP, the 2019 UAAP Cheerdance Competition this Sunday (November 17), 2 pm on ABS-CBN S+A and S+A HD, sports.abs-cbn.com, and iWant.

Dalawang koponan na lang ang natitira sa UAAP Season 82 Men’s Basketball, ngunit bukas na bukas ang laban sa 2019 UAAP Cheerdance Competition, na mapapanood ng LIVE mula sa Mall of Asia sa Linggo (Nobyembre 17), 2 pm sa ABS-CBN S+A at iWant.

Nangunguna ang defending champion na National University (NU) Pep Squad, na nais masungkit ang kanilang ika-anim na korona sa collegiate cheerdance.

Hindi naman magpapatalo ang mga kalaban nilang Far Eastern University (FEU) Cheering Squad at Adamson University (AdU) Pep Squad, na pumagalawa at pumangatlo noong nakaraang taon; at ang paborito ng fans at karibal nila sa cheerdance na University of Santo Tomas (UST) Salinggawi Dance Troupe at University of the Philippines (UP) Pep Squad.

Nariyan din ang De La Salle University (DLSU) Animo Squad, the Ateneo De Manila University (ADMU) Blue Babble Battalion, at University of the East (UE) Pep Squad, na kapwa nagsigalingan na rin kung saan pumangatlo pa ang UE noong 2017.

Bukod sa pagiging kampeon, nakalaan din ang P50,000 sa Champion, P30,000 sa 1st Runner-up, at P20,000 sa 2nd Runner-up. Mauunang magtanghal ng kanilang talento at school spirit ang DLSU, na susundan naman ng UE, UP, ADMU, FEU, AdU, UST, at NU. Sasali rin lahat sa Group Stunts competition bukod sa Ateneo. Magsisilbing host sina ABS-CBN sports anchor Nikko Ramos kasama sina “Upfront” hosts Janeena Chan at Angelique Manto.

Huwag palampasin ang isa sa mga pinakaantay na kumpetisyon sa UAAP, ang 2019 UAAP Cheerdance Competition ngayong Linggo (Nobyembre 17), 2 pm sa ABS-CBN S+A at S+A HD, sports.abs-cbn.com, at iWant. Para sa balita sa sports, sundan lamang ang @ABSCBNSports sa Facebook, Twitter, at Instagram o bumisita sa sports.abs-cbn.com.

Para sa updates, sundan lamang ang @ABSCBNPR sa Twitter, Facebook, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.