A merrier Christmas awaits families for every new purchase of ABS-CBN TVplus between now and December 31, 2019 because they can enjoy watching together the latest KBO movies–one week, for free.
Tiyak na mas masaya ang Kapaskuhang naghihintay sa buong pamilya kapag bumili ng ABS-CBN TVPlus simula ngayon hanggang Disyembre 31, 2019 dahil sa handog na mga pinakabagong KBO movies na libreng ma-eenjoy nang isang linggo.
Isang exciting na KBO line-up ang aaliw sa buong pamilya ngayong Nobyembre, kasama ang pelikulang Unang pinagtamabalan nina Nadine Lustre at Carlo Aquino na “Ulan,” at ang kwelang pagganap ni Ai-Ai de las Alas sa "S.O.N.S (Sons of Nanay Sabel)" tampok pa ang ibang na-restore at na-remaster na mga pelikula.
Kaabang-abang din ang unang TV Premiere ng tambalang Kathryn Bernardo at Alden Richards sa “Hello, Love, Goodbye” sa Disyembre 13, para ma-avail ang promo, i-input lamang ng KBO30 <space> DEC13 <space> ang iyong TVplus box ID at i-send sa 2366. Nakakapanabik ‘din ang naka-lineup na movies para sa Disyembre tulad ng “I’m Ellenya L.,” tampok ang tambalang “Marnigo” nina Iñigo Pascual at Maris Racal, ang dance-musical na “Indak,” kasama sina Nadine Lustre at Sam Concepcion, at ang iWant Original action-drama thriller na “Mga Mata Sa Dilim,” na pinagbibidahan nina Derek Ramsay at Jessy Mendiola.
Sa ABS-CBN TVplus mapapanood ng buong pamilya ang na mga channels tulad ng ABS-CBN channel 2, Cinemo, YeY!, Jeepney TV, DZMM Teleradyo, ABS-CBN Sports and Action channel, Asianovela channel, O shopping, Movie Central, Myx at Knowledge Channel.
Siguradong hindi naman mahuhuli sa pinaka-latest na impormasyon at balita kapag kasama ang ABS-CBN TVplus dahil sa kaka-launch pa lamang na INFOplus feature nito, kung saan may real-time at libreng impormasyon tungkol sa sitwasyon ng trapik sa Metro Manila, updates sa panahon at sakuna, mga anunsyo galing sa ABS-CBN News tungkol sa suspensyon ng trabaho at klase, presyo ng mga bilihin, at mga job alerts sa TrabaHanap. Sa pinakabagong feature na ito kasama ang built-in emergency warning broadcast system (EWBS) na naghahatid ng safety alerts at tips kung paano mananatiling ligtas kapag may lindol o natural na kalamidad na magaganap.
Ang ABS-CBN, na sa ngayon ay nagta-transition bilang isang digital company, ang unang nagpakilala ng digital terrestrial television o DTT sa bansa gamit ang ABS-CBN TVplus para mas mapalawig ang kasiyahan sa panonood ng mga Pilipino. Higit sa 8 milyong ABS-CBN TVPlus boxes na ang nasa mga tahanan sa buong bansa simula nang ilunsad ito noong 2015.
Sakop ng signal coverage areas ng ABS-CBN TVplus ang Metro Manila, Bulacan, Nueva Ecija, Pangasinan, Rizal, Laguna, Pampanga, Tarlac, Benguet, Cavite, Metro Cebu, Cagayan De Oro, Iloilo, Bacolod, Davao, at Batangas. Mabibili ito sa retail price at one-time fee na P1,499.
Abangan naman ang makulay at nakatutuwang song and dance Christmas song ni Sarah Geronimo na halaw sa paboritong Pinoy Christmas song na, “Noche Buena” sa opisyal na ABS-CBN TVplus commercial na mapapanood nationwide. Panoorin ang buong TVC sa https://www.facebook.com/ABSCBNTVPlus.