News Releases

English | Tagalog

"TKPM" ng DZMM, nagbibigay payo tungkol sa pera at iba pa

November 19, 2019 AT 12 : 25 PM

Para sa mga Filipino, ang pagtutok sa radyo o telebisyon ay hindi lamang para sa malalaking balita sa bansa. Ito rin ang pinagkukunan nila ng kaaaliwan at inspirasyon sa buhay, lalo na pagkatapos ng isang nakakapagod na linggo.

 
“OMJ,” masarap kasama tuwing Sabado at Linggo 

 

Para sa mga Filipino, ang pagtutok sa radyo o telebisyon ay hindi lamang para sa malalaking balita sa bansa. Ito rin ang pinagkukunan nila ng kaaaliwan at inspirasyon sa buhay, lalo na pagkatapos ng isang nakakapagod na linggo.

Pagdating sa usaping pera, trabaho, career, relasyon, at pamilya, lubos na pinagkakatiwalaan ng maraming Pilipino ang tambalan ng mag-asawang Vic at Avelyn Garcia sa “Tulong Ko, Pasa Mo (TKPM)” sa DZMM Radyo Patrol 630 at DZMM TeleRadyo. 

Takbuhan din sila ng mga nangangailangan ng tulong at mga nais na magpaabot ng tulong. 

Bagamat isang taon pa lang ang programa nila Vic at Avelyn sa DZMM, matagal na silang tumutulong at gumagabay sa maraming Pilipino na magkaroon ng buhay na matagumpay, masaya at makabuluhan. Nagsimula ito nang makatanggap sila ng tulong noong 2005, pero imbes na magpabayad, sinabihan silang ipasa ang tulong na kanilang natanggap.

Paliwanag ni Vic, “kapag ikaw ay natulungan, hindi dapat huminto ang tulong kundi ipasa sa iba ang tulong na natanggap para ang chain ng pagtutulungan ay magpatuloy.”

Dagdag pa ni Avelyn, “Naniniwala kami na kung ang bawat Filipino ay magtutulungan, gaganda ang buhay ng bawat Filipino. At isang araw, Pilipinas ang magiging isa sa pinakamayaman sa buong mundo.”

Humarap ang dalawa sa media kamakailan lang  kasama ang tambalang MJ Felipe at Ogie Diaz ng programang “OMJ.”

 Punuin ng saya at inspirasyon ang inyong araw-pahinga. Tutukan ang “OMJ” kasama sina Ogie Diaz at MJ Felipe tuwing Sabado ng 9 pm at ang “Tulong Ko, Pasa Mo” nina Vic at Avelyn Garcia tuwing Linggo ng 11 am sa DZMM Radyo Patrol 630, DZMM TeleRadyo, at iWant. Para sa balita, sundan ang @DZMMTeleRadyo sa Facebook at Twitter o pumunta sa dzmm.com.ph. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram at bisitahin ang www.abscbnpr.com.