News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN ibinida ang matibay na pagmamahal sa pamilya sa 2019 Christmas station ID

November 19, 2019 AT 03 : 51 PM

Patuloy ang paghahatid ng ABS-CBN ng madamdamin at mapagpukaw na mga kwento ng Pilipino sa pagsalubong ng Pasko sa inaabangang Christmas Station ID na "Family is Forever," na ipinagdidiwang ang hindi matitinag at wagas na pagmamahal ng mga Pilipino sa kanilang pamilya.

Inilunsad noong Lunes (Nobyembre 18), binibigyang pugay ng Christmas station ID ang mga Pilipinong nagpapatunay na walang katumbas ang pagmamahal ng pamilya. Kabilang rito ang Noblezeda “Keribels” family mula Iloilo na pinipiling maging masaya sa kabila ng hirap ng buhay; si Marielle Hernali, isang typhoon Yolanda survivor mula Tacloban na nagtapos na valedictorian, at Arnel Aba, ang one-legged swimmer na nanalo ng gold medal sa ASEAN ParaGames.

Kasama rin ang kwento ni Jan Aure Gascon, ang mag-aaral mula Abra na ang pangarap lamang ay magkaroon ng sariling lapis; El Gamma Penumbra, ang shadow dacning group ng Batangas na nagkampeon sa Asia’s Got Talent; at ang magkakapatid na Garcia ng Pangasinan na katumbas ang pagmamahal sa pamilya ang pagmamahal sa bansa.

Ang “Family is Forever” Christmas station ID ay inawit ng “The Voice Kids” finalists at coaches Sarah Geronimo, Bamboo, at Lea Salonga, at may mga live recording ng mga Kapamilyas mula sa iba’t-ibang sektor. Ang bagong station ID ay medley ng minahal na Christmas songs na likha ng ABS-CBN gaya ng “Thank You for the Love”, “Just Love Ngayong Pasko,” “Family is Love," at “Bro, Ikaw Ang Star ng Pasko," na ipininagdiriwang ang ika-10 anibersaryo.

Nilikha ng ABS-CBN Creative Communications Management Division sa pangunguna nina Robert Labayen, Johnny De Los Santos at Patrick de Leon kasama ang COO for Broadcast Cory Vidanes, idinirek ang ABS-CBN Christmas station ID 2019 ni Paolo Ramos kasama ang second unit directors Lorenz Roi Morales and Peewee Azarcon Gonzales.