This year is special as the event will not just feature the league’s best in basketball, but also the cream of the crop in the women’s volleyball tournament. Moreover, each team will also feature some of the best and most loved alumni athletes of the NCAA.
Mga NCAA alumni, muling maglalaro...
Muling maghaharap ang Team Heroes at Team Saints sa NCAA All-Star Games ngayong Martes (Nobyembre 26) sa Mall of Asia Arena sa Pasay City, na mapapanood ng LIVE sa ABS-CBN S+A at via streaming sa iWant simula 1 pm.
Mas espesyal ang All-Star Games ngayong taon dahil hindi lang pinakamagagaling na basketbolista ang mapapanood ng lahat, kundi pati na rin ang mga bituin ng NCAA women’s volleyball tournament. Bukod pa riyan, bibisita at makikilaro din ang mga dating manlalaro sa NCAA na minahal ng fans. Ipapalabas ang Women’s Volleyball All-Star game ng 1 pm na susundan ng isang pagtatanghal ng mga Star Music performers ng 3 pm. Magsisimula naman ang Men’s Basketball All-Star Game ng 4 pm.
Babandera para sa Team Saints sina Jerrick Balanza mula sa kampeon ng Season 95 men’s basketball na Colegio de San Juan de Letran (CSJL); Clint Doliguez ng San Beda University (SBU); RK Ilagan ng San Sebastian College-Recoletos (SSC-R); Ed Charcos ng Univ. of Perpetual Help-System Dalta (UPHSD); at Justin Gutang ng College of Saint Benilde (CSB). Bibida naman sina Kent Salado mula sa hosts na Arellano University (AU) kasama sila JP Magullano ng Emilio Aguinaldo College (EAC); ang kambal na Jaycee at Jayvee Marcelino galing Lyceum of the Philippines University (LPU); Laurence Victoria ng Mapua University (MU); at Agem Miranda ng Jose Rizal University (JRU).
Sa volleyball naman, mapapanood sila Clariza Abriam (CSB); Julienne Castro (CSJL); Ces Racraquin (SBU); Jewelle Bermillo (SSC-R); at Shyra Mae Umandal (UPHSD) sa Team Saints. Samantala, sila Regine Arocha (AU); Kathrine Almazan (EAC); Alexa Rafael (LPU); Loraine Barias (MU); at Dolly Grace Versoza (JRU) ang sasabak para sa Team Heroes.
Para lalong pasarapin ang dalawang laban, sasabak din ang mga batikang manlalaro na naglaro dati sa NCAA. Sasali sina Jio Jalalon (AU), Rey Nambatac (CSJL), at Philip Paniamogan (JRU) at iba pang alumni sa basketball, samantalang sina Grethcel Soltones (SSC-R), Cindy Imbo (SSC-R), at Jovy Prado (AU) ang mangunguna sa mga magbabalik at maglalaro sa volleyball.
Huwag palampasin ang NCAA Season 95 All-Star Games ngayong Martes (Nobyembre 26) LIVE sa S+A at iWant mula sa Mall of Asia Arena simula 1 pm para sa Women’s Volleyball All-Star Game. Ipapalabas ang Men’s Basketball All-Star Game ng LIVE simula 4 pm.
Para sa balita sa NCAA, sundan ang @ABSCBNSports sa Facebook at Twitter o bumisita sa sports.abs-cbn.com. Para sa updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o bumisita sa www.abs-cbn.com/newsroom.