Twelve-year-old Vanjoss Bayaban of coach Sarah Geronimo’s team dominated the vocal showdown in the latest season of “The Voice Kids."
Panalo ang dose anyos na si Vanjoss Bayaban ng team ni coach Sarah Geronimo bilang ang grand champion ng pinakabagong season ng “The Voice Kids” noong Linggo ng gabi (Nobyembre 3) sa Resorts World Manila.
Umapaw ang suporta ng publiko para kay Vanjoss, na mula Pangasinan, sa pagtala niya ng pinakamataas na combined percentage ng text at online votes na 62.11%, at nagwagi sa mga pambato nina coach Bamboo at Lea Salonga na sina Carmelle Collado (24.74%) at Cyd Pangca (13.15%).
Sa dalawang araw na finals, kinumbinsi ni Vanjoss na iboto siya ng mga manonood sa pamamagitan ng pag-perform ng “Habang May Buhay” sa duet niya kasama si coach Sarah, “Titanium” sa upbeat showstoppers round, at isang makapagil-hiningang bersyon ng “You Raise Me Up” para sa kanyang power ballad.
Bilang ang pinakabago at ikaapat na “The Voice Kids” grand champion,” nagwagi si Vanjoss ng P2 milyong cash, recording at management contract sa MCA Music, at house and lot mula Camella na may halagang P2 milyon.
Maagang pamasko naman ang inihandog ng finale dahil pinagtipon-tipon nito sa stage ang dating champions at finalists ng “The Voice of the Philippines, “The Voice Teens,” at “The Voice Kids” na sina Moira Dela Torre, Kyle Echarri, Elha Nympha, Jason Dy, Thor Dulay, Lala Vinzon, Jeremy Glinoga, at Morissette para sa isang espesyal na Christmas medley.
Matindi rin ang pagtutok maging ng netizens sa kumpetisyon dahil parehong nag-trend sa buong mundo ang official hashtags ng finals na #TVK4FinalShowdown at #TVK4GrandChampion habang inaabangan nila ang pag-anunsyo ng nanalong young artist.
Para sa updates, sundan lang ang @abscbnpr sa Twitter at Instagram, i-like ang
facebook.com/abscbnpr, at bisitahin ang
abscbnpr.com.