News Releases

English | Tagalog

13 sikat na artista mananatiling Kapamilya

December 17, 2019 AT 01 : 14 PM

Thirteen notable artists remain Kapamilyas as they sign their respective contracts last Friday, December 13.

Jake Cuenca bibida sa bagong teleserye 

Mananatiling Kapamilya ang 13 artista ng ABS-CBN matapos silang pumirma ng kani-kanilang mga kontrata noong Biyernes, (Disyembre 13).

Nangunguna rito ang hunk actor na si Jake Cuenca, na pumirma ng dalawang taong kontrata sa ABS-CBN. Puno ng pasasalamat si Jake sa ilan pang taong kasama ang Kapamilya network. Bukod dito, nagpahaging din siya ng kaniyang mga paparating na proyekto para sa susunod na taon, “May ginagawa akong palabas kasama ang Dreamscape ngayon, at sa darating na Pebrero, may gagawin din kami pero hindi pa kami puwedeng magsabi ng impormasyon tungkol dito.”

Isa rin si Arci Muñoz, aktres ng teleseryeng “Pamilya Ko,” sa mananatiling Kapamilya matapos niyang pirmahan ang kaniyang kauna-unahang network contract sa ABS-CBN. “Siyempre masaya ako na maging parte ng isang pamilya,” ani Arci, na nagpakita ng kaniyang kasiyahan bilang isang Kapamilya. Ipinahayag din niya ang kaniyang kagustuhan na mag-produce pa ng mas maraming content sa hinaharap.

Sampung taon nang Kapamilya star, ibinahagi ng aktres na si Sue Ramirez ang karangalan na nadarama niya tungkol sa pagpirma muli ng kontrata sa ABS-CBN, “Kasama ko ang ABS-CBN simula pa 2010, 2020 na sa susunod na buwan pero nandito pa rin ako. Nagpapasalamat ako sa lahat ng proyekto na ibinigay nila sa akin.” Excited rin na sinabi ni Sue ang kaniyang paparating na teleserye na dapat panoorin ng lahat.

Kabilang din sa dumalo sa contract signing ang miyembro ng teen boy group na “Gimme 5” na si Grae Fernandez. Ipinahayag ni Grae ang kaniyang kasiyahan at excitement sa mga ihahaing proyekto para sa kaniya. Nang tanungin tungkol sa kaniyang mga ilalabas na kanta sa susunod na taon, ani ng aktor, “Sa ngayon, mas nakatutok muna ako sa pag-arte.”

Pumirma rin muli ng limang taong kontrata ang aktres ng “Sandugo” na si Elisse Joson sa network. Nang tanungin ang kaniyang saloobin tungkol sa pananatili bilang Kapamilya, ani Elisse, “Sobrang saya ko kasi dati nakikita ko lang ito sa mga pictures and posts na may contract signing with ABS-CBN, tapos ngayon nandoon na ako sa posisyon na ako naman."

Samantala, ang Kapamilya actor at Hashtag member naman na si Jameson Blake ay nagsabi na isang blessing ang oportunidad na ito para sa kaniya, ngunit alam din niya ang pressure na kalakip nito. “Best na mayroon ako sa ngayon, pero siyempre may pressure dahil maraming tao ang mag-eexpect.”

Para naman kay Enzo Pineda na isang ABS-CBN actor na sa loob ng tatlong taon, wala siyang ibang masasabi kundi pasasalamat dahil isa na siya ngayong ganap na Kapamilya. “Ramdam kong blessed ako at nakatataba rin ito ng puso.”

Isa rin ang PBB alumna na si Heaven Peralejo na pumirma ng kaniyang tatlong taong kontrata sa Kapamilya network. Ayon sa kaniya, karapat-dapat abangan mula sa kaniya ang tatlong singles sa ilalim ng Star Music Star Star Pop na ilalabas sa susunod na taon.

Ang aktor naman na si RK Bagatsing, na mas nakilala pa sa kaniyang pagganap sa teleseryeng “Wildflower” kasama ang beteranang aktres na si Maja Salvador, ay pumirma rin ng kaniyang kauna-unahang network contract sa ABS-CBN. Sa lahat ng kaniyang gustong gawin para sa susunod na taon, sabi ni RK, ‘Yung mga iWant series natin ang gaganda ng mga palabas so far. Parte ng bucket list ko ay gumawa ng iWant series sana."

Matapos pumirma ng kanilang mga kontrata sa network, nagbahagi rin ng kanilang sentimyento ng kasiyahan ang child stars na sina Sophia Reola, aktres na nakilala sa “Nang Ngumiti Ang Langit,” at Angelika Rama, ang gumanap na batang Emma sa “The Killer Bride.”

Isa pang Kapamilya artist na kabilang sa listahan ay si Barbie Imperial, na ibinahagi ang kaniyang katatapos lamang na i-film na proyektong pinamagatang “Mang Kepweng” kasama ang Showtime host at beteranong actor na si Vhong Navarro. Nakatakdang ilabas ang “Mang Kepweng” sa susunod na taon.

Ang teen actor na si Louise Abuel naman ang kukumpleto sa 13 artistang pumirma ng kontrata sa ABS-CBN. Ayon kay Louise, lalo siyang ginanahan na pagbutihin ang kaniyang kakayahan sa pag-arte dahil dito. “Parang ginanahan ulit ako mag-acting kasi ito talaga 'yung gusto kong gawin."

Dumalo sa pirmahan ng kontrata sina ABS-CBN chairman Mark Lopez, ABS-CBN president at  chief executive officer Carlo Katigbak, chief operating officer ng broadcast Cory Vidanes, TV production head Laurenti Dyogi, Star Magic head Johnny Manahan, at head of treasury na si Rick Tan.