Representing the Philippines, “Matanglawin”bested entries from Singapore (“Little Achievers") and Thailand (“AMelody”) in the Professional Non-Fiction 8-12 years old category of the SEAVFC,a collaboration of ten countries in Southeast Asia to promote, celebrate, andhonor the highest quality in youth and children’s television.
Nagdala ng karangalan sa bansa ang premyadong educational program na “Matanglawin” ng ABS-CBN matapos magwagi sa ikatlong Southeast Asia Video Festival for Children (SEAVFC) na ginanap sa Phnom Penh, Cambodia.
Bilang kinatawan ng Pilipinas, dinaig ng “Matanglawin” ang mga entry mula sa Singapore (“Little Achievers") at Thailand (“A Melody”) sa Professional Non-Fiction 8-12 years old category ng SEAVFC, na binuo ng mga bansa sa Southeast Asia upang palaganapin at kilalanin ang mga de kalidad na programa para sa mga kabataan sa telebisyon.
Nanalo ang episode na “United in Love” ng programa, kung saan ipinakilala ni Kuya Kim Atienza ang ilang mga batang nagpapakita ng kahanga-hangang pagmamahal sa mga hayop, kalikasan, at kapwa bata.
Mahigit 70 entry mula sa mga bansang Brunei, Cambodia, Indonesia, Lao PDR, Malaysia, Myanmar, Philippines, Singapore, Thailand, at Vietnam ang nagtagisan ngayong taon sa SEAVFC, na may layuning iangat ang iba-ibang kultura sa rehiyon at ibida ang positibong mga katangian tulad ng respeto, pagkakaisa, at pagkakaintindihan.
Bukod sa panalo ng “Matanglawin,” umani rin ang Pilipinas ng apat pang parangal sa 2019 SEAVFC. Ipinapalabas ang “Matanglawin” tuwing Linggo, 9:45am sa ABS-CBN. Sundan ang @MatanglawinTV sa Facebook at Twitter o manood online sa
iwant.ph o
skyondemand.com.ph.
Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Instagram, at Twitter, o bumisita sa
www.abs-cbn.com/newsroom.