News Releases

English | Tagalog

“The Score” ng S+A, babalikan ang mga tagumpay sa Philippine sports sa 2019

December 26, 2019 AT 05 : 08 PM

ABS-CBN S+A wraps up a milestone year for Philippine sports with a two-part special of “The Score,” featuring champion athletes in basketball and volleyball, and medalists from the recent 30th Southeast Asian Games.

Basketball at volleyball stars, SEAG medalists, makakasama nina Mico at Gretchen
 
Bago matapos ang 2019, babalikan ng ABS-CBN S+A ang malalaking tagumpay sa sports ngayong taon sa espesyal na edisyon ng  “The Score” ngayong Disyembre 30 at 31.
 
Makakasama nina Mico Halili at Gretchen Ho sa “The Score: Best of 2019” ang mga kampeon sa UAAP, NCAA, at PVL, pati mga nag-uwi ng medalya para sa Pilipinas sa ginanap na 30th Southeast Asian Games (SEAG).
 
Unang sasalang sa darating na Lunes (Disyembre 30) ang mga hari ng basketball na sina Fran Yu at Jerrick Balanza ng Letran Knights na nag-kampeon sa NCAA at sina John Wilson at Mike Ayonayon ng San Juan Knights na hari sa MPBL Datu Cup, at ang mga reyna ng women’s basketball sa Southeast Asia na sina Afril Bernardino at Janine Pontejos ng national women’s basketball team.
 
Bahagi sina Afril at Janine sa makasaysayang taon para sa Philippine women’s basketball, kung saan napanalunan ng bansa ang mga gintong medalya sa SEAG women’s basketball at women’s 3x3.
 
Darating din sa “The Score” ang iba pang bayani ng SEAG sa paglipat ng diskusyon sa matagumpay na kampanya ng Pilipinas sa 2019 SEA Games. Kabilang dito sina CJ Concepcion (Fencing), Carlo Peña (Brazilian Jiu-Jitsu), Kim Kilgroe (Triathlon), Jasmine Alkhaldi (Swimming), Christiana Means (Skateboarding), at Meggie Ochoa (Brazilian Jiu-Jitsu).
 
Sa Disyembre 31 (Martes) naman ang masusing diskurso sa volleyball sa Pilipinas, kasama ang dating volleyball superstar at ngayon ay “Umagang Kay Ganda” anchor na si Gretchen Ho. Makakasama niya rito ang mga kampeon sa Premier Volleyball League (PVL) na sina Alyssa Valdez, Jia Morado, Jema Galanza, at Kyla Atienza ng Creamline Cool Smashers, Cherry Nunag, Jonah Sabete, at Chie Saet ng Petro Gazz Angels, at ang mga kampeon sa UAAP women’s volleyball na sina Deanna Wong at Maddie Madayag ng Ateneo Lady Eagles.
 
Tulad sa nakaraang taon, nasaksihan at nasubaybayan ng mga Pilipino ang kanilang mga kwento at paglaban sa S+A sa free TV, S+A HD, LIGA, at LIGA HD sa cable, at online sa iWant, sports.abs-cbn.com, pati na rin sa ABS-CBN Sports social media accounts at YouTube channel. Sa 2020, magpapatuloy ang ABS-CBN Sports sa pagbibida ng mabuting katangian at kagalingan ng mga Pilipinong atleta.
 
Abangan ang “The Score: Best of 2019” two-part special sa Disyembre 30 at 31, 6 pm sa ABS-CBN S+A at S+A HD. Manood online sa iWant. Para sa sports news, sundan ang @ABSCBNSports sa Facebook, Instagram, at Twitter o bumisita sa sports.abs-cbn.com.
 
Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Instagram, at Twitter o bumisita sa  www.abs-cbn.com/newsroom.