News Releases

English | Tagalog

Blockbusters at Oscar winners sa Movie Central ngayong Pebrero

February 11, 2019 AT 01 : 58 PM

Puno ng bigating Oscar-winning films at blockbuster movies ang Movie Central offerings ng ABS-CBN TVplus ngayong Pebrero.
 
Maiipit sa isang hindi inaasahang sitwasyon si Ryan Reynolds (Andrew) nang malaman niyang may bantang ma-deport ang boss niyang si Margaret (Sandra Bullock) sa “The Proposal” sa Movie blowout ng Movie Central ngayong Pebrero 16. Para masalba ang kanyang visa status sa America, mapipilitin si Margaret na ipitin si Andrew na pakasalan siya.
 
Isang maasksyong Sabado (Pebrero 23) ang nag-aabang sa manonood sa “Maze Runner.” Umiikot ang kwento kay Thomas, sa isang lalaking (Dylan O’ Brien) na sinusubukang makatakas sa isang maze matapos mawala ang kanyang alaala.
 
Samahan naman ang pamilya ngayong Pebrero 25 sa pagpapalabas ng channel ng ilang Oscar-winning productions buong araw.
 
Alamin kung paano bibigyang hustisya ni William Wallace ang pagkamatay ng kanyang asawa at kalaban si King Eward I sa “BraveHeart” (Best Picture,1995) ni Mel Gibson.
 
Panoorin naman si Jennifer Lawrence (Tiffany) sa kanyang pagganap bilang isang balo na determinadong tulungan ang isang dating mental health patient na gagampanan ni Bradley Cooper (Pat Solitano) sa “Silver Linings Playbook.” Sa naturang palabas niya nakamit ang kanyang Best Actress awards sa 2013 Oscars.
 
Alamin naman kung paano nalaman ng masikap na operative (Maya) na ginampanan ni Jessica Chastain ang pinagtataguan ni Osama bin Ladin sa “Zero Dark Thirty” (Best Sound Editing, 2013).  
 
Samantala, mapapanood din “12 Years A Slave” (Best Picture, 2014) na tungkol sa isang malayang taong dinakip, linason, at ipinagbili bilang isang alipin.
 
Maliban sa nasabing mga pelikula, huwag din palampasin ang iba pang Oscar winners na “Room” ni Brie Lacson (Best Actress 2016); ang “The Help” na tampok ang winning portrayal ni Octavia Spencer (Best Supporting Actress 2012) bilang si Minny Jackson; ang “Argo” (Best Picture, 2013) pati na rin ang “Her” (Best Scrrenplay, 2014).
 
Bukod sa mga pelikula hatid ng Movie Central, extended pa rin ang trial ng new channels sa ABS-CBN TVplus.
 
Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin angwww.abs-cbn.com/newsroom.