News Releases

English | Tagalog

Libreng shows at pelikula sa iWant, mapapanood gamit ang Smart, TNT, Sun, at Globe SIM

February 12, 2019 AT 01 : 29 PM

ABS-CBN has made it easier for mobile subscribers to watch their favorite movies and shows on iWant through its partnerships with Smart Communications and Globe Telecom.

Mas madali nang mapapanood ng Pinoy mobile subscribers ang mga paborito nilang TV show at pelikula sa iWant, ang streaming service ng ABS-CBN, sa pamamagitan ng mga murang promo na hatid ng Smart Communications at Globe Telecom.
 
Kapag nag-avail ng mga murang promo ng Smart at Globe, mapapanood sa iWant ang bagong original shows at movies nito na “Allergy in Love” na idinirek ni Joross Gamboa, ang nakakakilig na movies na “The Gift” at “S.P.A.R.K.,” at “Apple of My Eye,” ang erotic-drama anthology series na “Hush,” action-suspense series na “High,” at ang “Project Feb. 14.” Mae-enjoy na rin ng sports fans ang ilulunsad na iWant Sports section sa loob ng iWant app at website kung saan mapapanood nang live ang mga laro ng iba-ibang sports at liga, pati na mga dokumentaryo at specials sa iba’t ibang atleta.
 
Para sa Smart, TNT, at Sun subscribers, mag-register lang sa Smart Gigasurf 99 na may Video Every Day sa halagang P99, at may kasama nang 2 GB data pang-surf at dagdag na 1 GB kada-araw para sa isang oras na panonood ng videos na valid ng pitong araw.
 
Para sa Globe subscribers naman, maaaring mag-stream sa halagang P29 sa pag-register sa GoWATCH. I-text lang ang GOWATCH29 to 8080 para sa 2GB o pataas na data para sa limang oras na panonood sa iWant at iba pang video apps na valid para sa isang araw.
 
Sa pagpasok ng 2019, nagtala na ng 11.3 milyong registered users ang iWant, ang natatanging streaming service sa bansa na may pinakamalaking kolesyon ng pelikula at palabas. Mapapanood nang libre dito ang iWant original movies at shows gaya ng “Glorious,” “Spirits Reawaken,” “Ma,” “Alamat ng Ano,” at “Laureen on a Budget,” pati na ang mga luma at kasalukuyang umeereng Kapamilya shows, mga pelikula, documentaries, Asianovelas, live digital concerts, at ang livestreaming ng “Camp Star Hunt,” “iWant ASAP,” DZMM TeleRadyo, ABS-CBN Channel 2, at ABS-CBN S+A. Mapapakinggan din sa iWant ang libo-libong awitin ng sikat na Pinoy singers.
 
Maaari ring gamitin ng Smart, TNT, Sun, at Globe subscribers ang kani-kanilang accounts na pambayad para makapanood ng “premium content” kagaya ng foreign at digitally restored Filipino classic films, at ang pinakabagong hit Pinoy movies sa pamamagitan ng pay-per-view.
 
Panoorin ang mga paboring pelikula sa iWant sa iOS o Android apps o sa web browser sa iwant.ph. Mas maraming manonood na rin ang makakapag-enjoy sa latest offerings ng iWant dahil maaari na itong i-connect sa TV gamit ang Chromecast at Apple Airplay.
 
Ang iWant ay kabilang sa digital initiatives ng ABS-CBN na nagpapatunay sa patuloy nitong pag-transition bilang isang digital company dahil sa patuloy na paglawak ng online presence nito at pagdami ng digital properties.
 
Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWant, i-follow @iwant sa Twitter at @iwantofficial sa Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantPH.