Senatorial hopefuls are ready to prove that they are worthy of the people’s votes in the “Harapan 2019: The ABS-CBN Senatorial Town Hall Debate” series that will kick off this Sunday (February 17) LIVE on ANC (the ABS-CBN News Channel), DZMM TeleRadyo, iWant, news.abs-cbn.com and other ABS-CBN platforms online. Viewers can also catch the delayed telecast of the debates on ABS-CBN’s “Sunday’s Best.”
Handa nang ipakita ng mga nais maging senador ng Pilipinas na karapatdapat silang iboto sa halalan sa “Harapan 2019: The ABS-CBN Senatorial Town Hall Debate” na magsisimula ngayong Linggo (Pebrero 17) at mapapanood ng LIVE sa ANC, DZMM TeleRadyo, iWant, at iba pang plataporma ng ABS-CBN sa online.
Sa debate, na isasagawa sa Pebrero 17, Pebrero 24, at Marso 3, mula 7 pm hanggang 9 pm, live na ibabahagi ng mga tatakbo sa pambansang eleksyon ang kanilang mga posisyon sa iba-ibang isyu sa lipunan at ilalahad ang kanilang mga plataporma at adbokasiya, na maaari namang gawing batayan ng mga Pilipino sa kanilang pagboto sa Mayo 13.
Tatalakayin sa debate, na pangungunahan ng mga pinagkakatiwalaang mamamahayag sina Karen Davila at Alvin Elchico, ang mga importanteng usapin sa Pilipinas ngayon tulad ng seguridad sa trabaho, kasulugan, edukasyon, presyo ng bilihin, kapayapaan, at iba pa.
Unang sasabak sa debate ngayong Pebrero 17 sina Bam Aquino, Glenn Chong, Chel Diokno, Larry Gadon, Samira Gutoc, Florin Hilbay, Jiggy Manicad, Willie Ong, Koko Pimentel, at Francis Tolentino.
Bahagi ang “Harapan 2019: The ABS-CBN Senatorial Town Hall Debate” ng komprehensibong pagbabalita at pagtatalakay ng ABS-CBN News sa pambansang eleksyon.
Huwag palampasin ang unang “Harapan 2019: The ABS-CBN Senatorial Town Hall Debate” ngayong Linggo (Pebrero 17), sa Pebrero 24, at sa Marso 3, LIVE ng 7 pm sa ANC at ANC HD, DZMM TeleRadyo, online sa news.abs-cbn.com, iWant.ph, at TFC.tv, maging sa mga Facebook page ng mga platapormang ito. Mapapanood din ito sa “Sunday’s Best” ng ABS-CBN.
Para sa mga update, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram or pumunta sa abscbnpr.com.