News Releases

English | Tagalog

UAAP Women's Volleyball, magbubukas na sa ABS-CBN S+A

February 13, 2019 AT 02 : 56 PM

The much-awaited UAAP Women's Volleyball Tournament is finally here!

Magsisimula na ang isa sa mga pinakahihintay na torneo ng volleyball fans sa darating na Sabado (Pebrero 16) sa pagbubukas ng UAAP Women’s Volleyball Tournament ng LIVE sa lahat ng plataporma ng ABS-CBN sa telebisyon, cable, at online na pangungunahan ng umaatikabong aksyon mula sa pares ng laro na gaganapin sa araw na iyon.
 
Maghaharap ang University of the East (UE) Lady Warriors at University of the Philippines (UP) Lady Maroons ng 2 pm sa FilOil Flying V Centre sa San Juan bilang panimula na susundan naman ng laban ng Far Eastern University (FEU) Lady Tamaraws at National University (NU) Lady Bulldogs at 4 pm sa ABS-CBN S+A, S+A HD, LIGA, LIGA HD, sports.abs-cbn.com, at iWant. Mapapanood naman ang highlights ng mga laro sa ABS-CBN Sports YouTube channel.
 
Samantala, maagang magbabakbakan ang De La Salle University (DLSU) Lady Spikers at Ateneo De Manila University (ADMU) Lady Eagles ngayong season bilang kani-kanilang opening game sa Linggo (Pebrero 17) ng 4 pm. Bago ang inaabangang sagupaan ng magkaribal, maghaharap muna ang Adamson University (AdU) Lady Falcons at University of Santo Tomas (UST) Golden Tigresses sa FilOil Flying V Centre ng2 pm.
 
Hindi na makapaghintay ang fans na mapanood ang kanilang mga paboritong manlalaro sa pinaka-popular na liga ng volleyball sa bansa kung saan nanggaling sina Alyssa Valdez, Rachel Anne Daquis, Aby Marano, at Jaja Santiago. Inaasahang magpakitang-gilas ngayong taon sina Chiara Permentilla (AdU); Kat Tolentino (ADMU); Michelle Cobb (DLSU); Celine Domingo (FEU); Jennifer Nierva (NU); Rose Baliton (UE); Sisi Rondina (UST); at Isa Molde (UP).
 
Simula ngayong taon, dapat din abangan ng fans ang aksyon na darating sa streaming service ng ABS-CBN na iWant, kung saan ilulunsad ang iWant Sports. Inaasahan na magsisilbing one-stop section ng streaming service ang iba’t ibang liga na sumasahimpapawid sa ABS-CBN Sports tulad ng UAAP, National Collegiate Athletic Association, Premier Volleyball League, Alab Pilipinas, Pinoy Pride, boxing events, national tournaments, mga dokumentaryo at espesyal na episode pati na rin ang newscasts at lifestyle shows ng ABS-CBN S+A.
 
Huwag palampasin ang pagbubukas ng UAAP Season 81 Women’s Volleyball Tournament sa darating na Sabado (Pebrero 16) na mapapanood ng LIVE mula sa FilOil Flying V Centre sa ABS-CBN S+A,S+A HD, LIGA, LIGA HD, iWant, at sports.abs-cbn.com.
 
Para sa mga karagdagang istorya at balita sa UAAP Women’s Volleyball at mga bituin nito, sundan lamang ang @ABSCBNSports sa Twitter at Facebook o bumisita sa sports.abs-cbn.com. Para sa updates, sundan lamang ang @ABSCBNPR sa Twitter, Facebook, at Instagram o bisitahin ang www.abscbnpr.com.