News Releases

English | Tagalog

Tapatan ng mga kandidato, tinutukan ng mga Pilipino sa unang "Harapan 2019" debate ng ABS-CBN

February 18, 2019 AT 06 : 17 PM

Filipinos worldwide tuned in to watch nine senatorial hopefuls air their platforms and stand on issues during the first leg of “Harapan 2019:The ABS-CBN Senatorial Town Hall Debate,” which obtained the number 1 spot in Twitter's top trends for the Philippines Sunday night, and came in second in the list of trending topics worldwide.

#Harapan2019, trending topic sa Pilipinas at buong mundo

 
Napanood ng mga Pilipino sa buong mundo ang tagisan ng siyam na kandidato sa pagka-senador sa unang “Harapan 2019: The ABS-CBN Senatorial Town Hall Debate,” na naging numero unong trending topic sa Twitter sa Pilipinas at pangalawa naman sa buong mundo noong Linggo (Pebrero 17).
 
Unang sumalang sa debate sina Bam Aquino, Glenn Chong, Chel Diokno, Larry Gadon, Samira Gutoc, Florin Hilbay, Jiggy Manicad, Willie Ong, at Francis Tolentino na nabigyan ng mas maraming pagkakataon na ibahagi ang kanilang mga plataporma at mga pananaw sa mga isyu sa ating lipunan.
 
Dalawang “Harapan 2019” pa ang isasagawa sa darating na Linggo (Pebrero 24) at Marso 3, na mapapanood uli ng LIVE ng 7 pm sa ANC, the ABS-CBN News Channel, DZMM TeleRadyo, iwant.ph, news.abs-cbn.com, ABS-CBN News facebook, ABS-CBN News YouTube channel, at TFC.tv. Ipapalabas din ang mga ito sa “Sunday’s Best” sa ABS-CBN.

Sumentro ang unang “Harapan 2019” sa mga kwalipikasyon at plano ng mga kandidato, habang nagkaroon din ng pagkakataon ang apat na ordinaryong Pilipino na magtanong sa mga isyung direktong nakakaapekto sa kanila. Isang contractual employee ang nagtanong tungkol sa “ENDO,” isang asawa ng OFW ang nagtanong sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin, isang doktor ang nagtanong tungkol sa health care para sa mga liblib na lugar, at isang menor de edad na nasangkot dati sa krimen ang nagtanong sa pagbababa ng edad para sa criminal responsibility.
 
Sumailalim din sa Fast Talk ang mga kandidato na mabilisang sumagot sa mga posisyon nila sa mga isyu tulad ng LGBTQ rights, divorce, pederalismo, transportasyon, trapik, kwalipikasyon ng mga kadidato, human rights, medical marijuana, Bangsamoro Organic Law, at marami pang iba.
Bahagi ang “Harapan 2019: The ABS-CBN Senatorial Town Hall Debate” ng malawakang pagbabalita ng ABS-CBN News sa “Halalan 2019.”
 
Abangan ang ikalawang “Harapan 2019: The ABS-CBN Senatorial Town Hall Debate” ngayong Linggo (Pebrero 24), at ang ikatlo sa Marso 3, LIVE ng 7 pm sa ANC at ANC HD, DZMM TeleRadyo, online sa news.abs-cbn.com, iWant.ph, TFC.tv, ABS-CBN News Facebook at YouTube channel at may telecast din pagkatapos ng “GGV” sa ABS-CBN’s “Sunday’s Best.”  
 
Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram, o pumunta sa abscbnpr.com.