News Releases

English | Tagalog

Khalil, panalo sa japanese game show na "Find the Wasabi in Nagoya" ng iWant

February 18, 2019 AT 11 : 58 AM

Itinaas ng Kapamilya star na si Khalil Ramos ang bandera ng bansa matapos niyang talunin ang kalabang Asian artists sa global reality-game show na “Find the Wasabi in Nagoya” na maaaring mapanood sa ABS-CBN streaming service na iWant.

Iba’t-ibang challenges nga ang hinarap ni Khalil sa paghahanap ng “secret spice” ng Nagoya, kung saan katunggali at natalo niya ang singer-actor na si Daniel Sher mula Singapore at actor-model na si Tay Tawan mula sa Thailand.



Bilang premyo ng kompetisyon, nakapag-perform si Khalil kasama ang isa sa pinakamalaking boyband ng Japan na “Boys and Men” sa Nagoya Dome na dinaluhan ng higit 35,000 na katao.

Sa loob nga ng limang episodes, nakipagtagisan sa bilis at diskarte si Khalil sa pagharap niya ng iba’t-ibang pagsubok upang tanghaling kauna-unahang Pinoy top hunter. Bukod naman sa nakakasabik na tapatan ng Asian stars, makikita rin sa reality-game show ang ganda ng Nagoya at ang masasarap na Japanese cuisine na maaring matikman ng mga turista sa isa sa pinakasikat na lugar sa Japan.

Isa lamang si Khalil sa Pinoy artists na matagumpay na kinikilala sa ibang bahagi ng daigdig sa patuloy na pagtataguyod at pagbabahagi ng ABS-CBN ng talento ng mga Pilipino sa buong mundo.

Balikan ang adventures ni Khalil at ang iba pang Asian spice hunters sa “Find the Wasabi” na mapapanood nang libre sa iWant sa iOS o Android apps o sa web browser sa iwant.ph. Mas maraming manonood na rin ang makakapag-enjoy sa latest offerings ng iWant dahil maaari na itong i-connect sa TV gamit ang Chromecast at Apple Airplay.
 
Ang iWant ay kabilang sa digital initiatives ng ABS-CBN na nagpapatunay sa patuloy nitong pag-transition bilang isang digital company dahil sa patuloy na paglawak ng online presence nito at pagdami ng digital properties.
 
Maaari ring mapanood kahit saan at kahit kailan ng mobile subscribers ang mga palabas at pelikula sa iWant. Para sa Smart, TNT, at Sun subscribers, mag-register lang sa Smart Gigasurf 99 na may Video Every Day sa halagang P99, at may kasama nang 2 GB data pang-surf at dagdag na 1 GB kada-araw para sa isang oras na panonood ng videos na valid ng pitong araw. Para sa Globe subscribers naman, maaaring mag-stream sa halagang P29 sa pag-register sa GoWATCH. I-text lang ang GOWATCH29 to 8080 para sa 2GB o pataas na data para sa limang oras na panonood sa iWant at iba pang video apps na valid para sa isang araw.
 
Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWant, i-follow @iwant sa Twitter at @iwantofficial sa Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantPH.