News Releases

English | Tagalog

Mary Joy at Meryll bilang sinumpang mag-ina sa “MMK”

February 22, 2019 AT 09 : 27 AM

Award-winning indie stars Mary Joy Apostol and Meryll Soriano play a mother and daughter plagued by a curse on this Saturday’s (February 23) “MMK.”

Hanggang saan nga ba kayang tanggapin ng isang ina ang kanyang anak?
 
Tampok ang mga mahuhusay at award-winning na indie actresses na sina Meryll Soriano at Mary Joy Apostol bilang mag-inang sinubok ng diumano’y sumpa sa “MMK”, ngayong Sabado (Pebrero 23).
 
Ipinangak si Bernadette (Mary Joy) na may depormidad sa mukha. Bagama’t itinuturing niyang sumpa ang sinapit ng anak ay sinusubukang tanggapin ni Jona (Meryll) ang sinapit ng anak.
 
Kung saan-saan hahanapin ni Bernadette ang pagmamahal at pagkalinga na sa tingin niya ay hindi niya natatanggap mula sa ina. Hanggang sa dumating ang panahon na mabubuntis siya at iiwan ng lalaking akala niya ay sagot sa kanyang kalungkutan.
 
Kanino lalapit si Bernadette matapos ang kanyang mga sinapit? Saan niya mahahanap ang pagmamahal na kanyang inaasam-asam?
 
Ginawaran ng Best Actress sa unang ASEAN Film Awards si Mary Joy para sa “Birdshot,” habang si Meryll naman ay nakatanggap ng Best Actress award noong 2010 mula sa Brussels International Independent Film Festival para sa “Donor.”
 
Kasama rin sa episode na ito sina Teejay Marquez, Patrick Sugui, at Yesha Camile. Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Eduardo Roy Jr. at panunulat ni Bing Castro-Villannueva.
 
Panoorin ang longest-running drama anthology sa Asya, ang “MMK,” tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN.  Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.