Yamyam is the first housemate to brave the latest weekly task of his batch by challenging Mark for a chance to stay in Kuya’s house last Monday (February 25) on “PBB Otso.”
Batch 2 ng “PBB Otso” extended hanggang 88 days
Si Yamyam ang pinaka-unang sumagot sa pinakamabigat na weekly task ng mga housemate nang piliin niyang makatunggali si Mark para sa pwesto sa bahay ni Kuya noong Lunes (Pebrero 25) sa “PBB Otso.”
Natahimik ang mga housemate nang una nilang marinig ang kanilang bagong task sa kanilang ika-otsong linggo sa loob ng bahay ni Kuya, kung saan hahamunin nila ang isa’t-isa para sa apat na pwesto sa PBB house. Lingid sa kaalaman ng mga housemate, extended ang pananatili nila sa bahay ni Kuya hanggang 88 days.
Nahirapan ang housemates sa bagong task dahil sa mga implikasyon nito sa relasyon nila sa isa’t-isa. Sabi ni Andre, “there are a lot of factors to think about” na sinangayunan naman ni Fumiya nang sabihin niyang, “the feeling is very complicated po.”
Pinaliwanag naman ni Mary Grace nang mabuti kung bakit ito mahirap para sa kanila. Hinayag niya kay Kuya sa confession room na, “tanggapin talaga namin na yun ang challenge, Kuya. Lahat kami may pangarap na pumasok dito. Kailangan talaga unahin namin ang pangarap namin. I-set aside muna namin ang pagkakaibigan namin.”
Unang pumasok sa confession room si Mark, ngunit hindi pa buo ang loob niya pagdating sa challenge. Pinayuhan siya ni Kuya na pag-isipan munang mabuti kung ano talaga ang gusto niya.
Matapos ang ilang panahon ng pag-iisip ay napagdesisyunan na ni Yamyam na gawin ang bagong weekly challenge at napili niyang hamunin si Mark bagama’t kakaayos lang nila ng kanilang hindi pagkakaunawaan.
Pinili ni Yamyam si Mark dahil naniniwala itong patas ang magiging laban nila. Paliwanag ni Yamyam kay Kuya, “ginusto ko po na fair yung laban po, para masubukan yung limitasyon ko sa pagiging competitive.”
Sino kina Yamyam at Mark ang mananatili sa bahay, at sino ang automatic na lalabas? Kailan kaya magsisimula ang ibang mga housemate na gawin ang bagong challenge? Anu-ano pang mga hamon ang haharapin ng mga Batch 2 housemate sa kanilang extended na paglagi sa bahay ni Kuya?
Panoorin ang “PBB Otso,” gabi-gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN, pagkatapos ng “Halik,” tuwing Sabado pagkatapos ng “Home Sweetie Home,” at tuwing Linggo pagkatapos ng “Wansapanataym.”Mapapanood din ang “PBB Otso Gold” sa Kapamilya Gold pagkatapos ng “Los Bastardos.” Maaari namang subaybayan ang “Camp Star Hunt” at ang livestream ng “PBB Otso” sa iWant.
Sundan ang @PBBabscbntv sa Facebook, @PBBabscbn sa Twitter, @pbb_abscbn sa Instagram, at Pinoy Big Brother sa YouTube. Maaari ring sundan ang @starhuntabscbn sa Facebook, Twitter, and Instagram.
Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram, o kaya’y bisitahin ang
www.abscbnpr.com.