News Releases

English | Tagalog

Love wins sa “PBB Otso” sa pagpapakasal ni Mitch at ng partner

February 04, 2019 AT 03 : 57 PM

“PBB Otso” successfully celebrated the first LGBT wedding on the show with the union of Kuya’s transwoman housemate, Mitch, and her partner, Dudz, which aired last Saturday (January 2).

Kuya, may bagong housemate
 
Naging matagumpay ang unang LGBT wedding sa loob ng bahay ni Kuya sa pagitan ng transwoman housemate niyang si Mitch at partner niyang si Dudz na napanood noong Sabado (Pebrero 2) sa “PBB Otso.”
 
Pinagtulungan ng mga housemate at star dreamer na mabuo ang dream wedding ni Mitch Talao, ang Trans Mama ng Lucena, at ng lesbian partner niyang si Dudz Ibañez. Pinagtagumpayan nila ang card cake challenge para makuha ang premium wedding package at ang human vase challenge para makuha ni Mitch ang pinapangarap na wedding gown na gawa ng batikang designer na si Renee Salud. Ang mga star dreamer naman ay pinakita ang kanilang mga talento para mas mapaganda ang kasalang Mitch at Dudz.
 
Pinuri ni Kuya ang bagong kasal sa kanilang mga pinagdaanan. Ani Kuya, “You have proven that love knows no gender or preference. Ikinararangal kayo ng LGBT community, at ikinararangal ko rin kayo.” Hangad ni Kuya ang isang “pagsasamang masaya, mapayapa at puno ng pagmamahalan” para kina Mitch at Dudz.
 
Si Tori ang naging host ng kasal nina Mitch at Dudz, isang importanteng kaganapan sa kasaysayan ng “Pinoy Big Brother” bilang unang kasalang LGBT sa show.
 
Sa sumunod na araw naman, Linggo (Pebrero 3), naganap ang unang eviction night para sa pangalawang batch ng “PBB Otso,” kung saan pumasok sa loob ng bahay ni Kuya ang Bombshell Sweetie ng Singapore na si Tori bilang kanyang bagong housemate, matapos bumalik si Abi, ang Kolehiyala Cutie ng Isabela, sa outside world.
 
Maliban sa kasalan at eviction night, mayroon pang pasabog si Kuya noong nakaraang weekend: ito ay posibleng pagbuwag sa pagiging 2-in-1 housemates nina Apey at Mark. Ayon sa psychologist na si Dr. Randy Dellosa nahihirapan si Apey, na sanay magsumikap mag-isa, sa sitwasyon nila ng kapatid. Ayon sa doctor makabubuti kay Apey na mabuwag ang tandem sa kanyang kuya dahil “Kung ano mang consequence ng efforts niya, sa kanya ulit mapupunta.”
 
Panoorin ang “PBB Otso,” gabi-gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN, pagkatapos ng “Halik,” tuwing Sabado pagkatapos ng “Home Sweetie Home,” at tuwing Linggo pagkatapos ng “Wansapanataym.”Mapapanood din ang “PBB Otso Gold” sa Kapamilya Gold pagkatapos ng “Los Bastardos.” Maaari namang subaybayan ang “Camp Star Hunt” at ang livestream ng “PBB Otso” sa iWant.
 
Sundan ang @PBBabscbntv sa Facebook, @PBBabscbn sa Twitter, @pbb_abscbn sa Instagram, at Pinoy Big Brother sa YouTube. Maaari ring sundan ang @starhuntabscbn sa Facebook, Twitter, and Instagram.
 
Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram, o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.