ABS-CBN celebrates the men and women behind the most enduring food traditions in the country with the airing of a special edition of award-winning documentary series “Local Legends” on “Sunday’s Best” this February 10 on ABS-CBN.
Mga paboritong putahe ng mga Pinoy, ibibida
Kilalanin ang mga natatanging indibidwal na malaki ang kontribusyon sa pagpapatuloy ng tradisyon ng lutong Pilipino.
Ngayong Pebrero 10 sa “Sunday’s Best,” ipapalabas ang isang espesyal na edisyon ng “Local Legends” kung saan ilalahad ang mga kwento sa likod ng mga paboritong putahe sa Pampanga, Nueva Vizcaya, Cavite, at Romblon, at ang mga taong bihasa sa paggawa o pagluto ng mga ito.
Sa Pampanga, buo pa rin ang tradisyon ng biskwit na Panecillos de San Nicolas dahil kay Atching Lillian Lising-Borromeo, isang kilalang awtoridad sa pagkaing Kapampangan. Sa Nueva Vizcaya naman, nananatiling buo ang tradisyon ng tribong Kalanguya dahil pinapagsama-sama sila ng ritwal sa pagluluto at paghahanda ng katakam-takam na Batang-Batang.
Tampok rin sa “Local Legends” ang Bibingkoy, isang kakaibang kakain mula sa Cavite, na patuloy na tinatangkilik dahil sa striktong pagtuturo ng tamang luto ni Lolit Alejo. Paborito naman ng ibang mga Pilipino ang Sarsa mula sa Romblon, dahil sa timpla ni Azon Manato.
Nakapag-ere na ng dalawang season ang “Local Legends” sa ANC, the ABS-CBN News Channel, hatid ang mga koleksyon ng kwentong nais itaguyod ang kultura at pamana ng Pilipino. Sa unang season nito, kung saan itinampok ang malilikhaing Pilipino sa sining, nanalo ang dokyu serye o ng Silver Medal sa prestihiyosong 2018 New York Festivals para sa episode na “Bandurria.”
Ipagbunyi ang yaman ng ating pamanang kultura sa espesyal na edisyon ng “Local Legends” sa “Sunday’s Best” ngayong Linggo (Pebrero 10), sa ABS-CBN pagkatapos ng “Gandang Gabi Vice.” Para sa updates, i-follow ang “Local Legends” sa Facebook, at @DocuCentral sa Facebook, Instagram, at Twitter. Para sa iba pang balita, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram, o pumunta sa abscbnpr.com.