News Releases

English | Tagalog

19 pang kandidato sa senado, magtatapatan sa "Harapan 2019"

March 01, 2019 AT 01 : 31 PM

Now on its third week, the “Harapan 2019: The ABS-CBN Senatorial Town Hall Debate” will feature 19 more senatorial candidates who are up to prove they are worthy of the people’s vote this Sunday (March 3) in two debates that will air LIVE on ANC, the ABS-CBN News Channel, DZMM TeleRadyo and various ABS-CBN platforms online.

Mas maraming kandidato, nakikilala ng mga botante sa ABS-CBN

 
Labing-siyam pang kandidato sa pagka-senador na nais patunayan na karapat-dapat silang iboto sa halalan ang mapapanood sa ikatlong linggo ng “Harapan 2019: The ABS-CBN Senatorial Town Hall Debate,” na magsasagawa ng dalawang debate ngayong Linggo (Marso 3).
 
Mapapakinggan ang plataporma nina Shariff Albani, Gerald Arcega, Marcelino Arias, Balde Baldevarona, Jesus Caceres, Melchor Chavez, Charlie Gaddi, Emily Mallilin, Jose Sonny Matula, Luther Meniano, at Allan Montano ng LIVE sa DZMM TeleRadyo, ANC, news.abs-cbn.com, iWant.ph, TFC.tv, at sa ABS-CBN News Facebook page at ABS-CBN News YouTube channel ng 12 nn.
 
Live ding hahaharapin ng mga kandidatong sina Ernesto Arellano, Toti Casino, Leody De Guzman, JV Ejercito, Elmer Francisco, Rj Javellana, Dado Padilla, at Dan Roleda, ang mga maiinit na tanong nina Karen Davila at Alvin Elchico at ng mga kumakatawan sa mga karaniwang mamamayan ng 7 pm sa parehong mga channel.
 
Mapapanood sa Sunday’s Best ng March 3 ang 7PM debate, at sa March 17 naman ang 12noon debate, pagkatapos din ng “GGV.”
 
Naging top trending topic sa Twitter ang Harapan 2019, na may dalawa pang naunang debateng ginanap noong Pebrero 17 at Pebrero 24. Sumali ang mga netizen sa usapan at nakipag-diskusyon sa social media tungkol sa mga sagot ng mga kalahok.
 
Sa apat na debate ng ABS-CBN, kung saan 36 ang kandidatong kasali, naiisakatuparan ng ABS-CBN ang pangako nitong bigyan ang mga tumatakbong senador ng pagkakataong makilala ng mga botanteng Pilipino, na siyang pipili sa mga bagong lider ng bansa sa palapit na eleksyon sa Mayo 13.
 
Ang “Harapan 2019: The ABS-CBN Senatorial Town Hall Debate” ay bahagi ng malawakang pagbabalita ng ABS-CBN sa Halalan 2019.
 
Abangan ang ikatlo at ikaapat na “Harapan 2019: The ABS-CBN Senatorial Town Hall Debate” ngayong Linggo (Marso 3), LIVE ng 12 nn at LIVE ng 7 pm sa ANC at ANC HD, DZMM TeleRadyo, online sa news.abs-cbn.com, iWant.ph, TFC.tv, ABS-CBN News Facebook at YouTube channel, at may telecast sa Sunday’s Best. Para sa updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Instagram, at Twitter o bumisita sa abscbnpr.com.