After a long wait, Doraemon is now a Kapamilya!
Masayang panonood ang hatid ng ABS-CBN para sa mga bata dahil isa nang Kapamilya si “Doraemon.”
Sa isang trade event kamakailan sa Green Sun Hotel Axon, ang robot cat, kasama ang kanyang mga kaibigang sina Nobita, Shizuka, Suneo, at Takeshi ay ipinakilala bilang Kapamilya, matapos makaipaag-partner ang ABS-CBN Acquisitions and International Sales Distribution (ISD) division at Animation Intl. Ltd., ang kumpanyang may distribution rights sa “Doreamon” franchise.
“Masaya kami dahil isa nang Kapamilya si Doraemon. Matagal na rin naming itong inabangan at naniniwala kaming mahalaga ito para sa ating mga batang manonood, na matagal ring inaabangan si Doraemon sa ABS-CBN,” sabi ni ABS-CBN Acquisitions at ISD head Macie F. Imperial.
Simula sa Mayo, masusundan na ng kabataan ang “Doraemon” sa, YeY! ng ABS-CBN TVplus. Si Doraemon ay isang robotic cat na pinadala ng mga kamag-anak ni Nobita sa malayong panahon, para gabayan at protektahan si Nobita, na naging biktima ng bullying, gamit ang sari-saring gadget.
“We are very excited because we didn’t have Doraemon on television for a long time and ABS-CBN is one of the best channels here so we’re really looking forward to this partnership,” said Animation Intl. Ltd. general manager Tim Kondo, who is elated to finally bring Doraemon to ABS-CBN via their YeY channel on ABS-CBN’s TVplus.
Abangan ang “Doraemon” sa May 27, 5 pm sa YeY ng ABS-CBN’s TVplus.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o puntahan ang
www.abscbnpr.com.