Action heats up on the hardcourt as the Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup playoffs take off this Tuesday (March 12) on ABS-CBN S+A as it brings the action between the Bulacan Kuyas and Manila Stars LIVE at 7 pm followed by the Bataan Risers versus the Caloocan Supremos at 9 pm.
Analyst: Manila at Davao matunog na maglalaban para sa korona…
Lalong iinit ang aksyon sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup dahil magsisimula na ang playoffs ng liga sa Martes (Marso 12), LIVE sa ABS-CBN S+A, sa bakbakang the Bulacan Kuyas at Manila Stars ng 7 pm na susundan naman ng harapang Bataan Risers at Caloocan Supremos ng 9 pm.
Mangunguna para sa Kuyas si James Martinez, samantalang si Reil Cervantes ang aasahan ng Manila Stars sa kanilang playoff series. Ang kasalukuyang numero unong koponan naman ay sasandal kina Gary David, Pamboy Raymundo, and Byron Villarias para pataubin ang Supremos.
Kumakana ng pinagsamang 31.77 puntos ang tatlo para dalhin sa tuktok ng MPBL ang Risers sa kartadang 23-2. Pero ayon kay MPBL analyst coach Martin “Hammer” Antonio, kulang pa sila ng power forward at center para tumagal sa playoffs.
“Pabor sa mga batang koponan tulad ng Bataan ang regular season. Pero pagdating ng playoffs, nagbabago na lahat. May malaking butas ang Risers sa gitna at tiyak na susunggaban iyon ng mga beterano ng Manila at Davao,” bahagi niya.
Dagdag pa ni Antonio, malaking posibilidad na Manila at San Juan ang magtutunggali sa North Conference Finals habang susubukan naman ng GenSan Warriors na pataubin ang Davao Tigers sa South.
Panoorin ang mga laban ng live sa S+A, S+A HD, sports.abs-cbncom, at iWant Sports, kabilang ang iba pang koponang pasok sa Playoffs tulad ng Makati Super Crunch ni Jeckster Apinan; San Juan Knights kasama ang dating King Bomber na si John Wilson; Muntinlupa Cagers ni Allan Mangahas; Bulacan Kuyas kasama ang dating Red Warrior James Martinez; at GenSan Warriors na pinangungunahan ni John Orbeta.
Huwag palampasin ang pasabog sa playoffs ng MPBL na sisimulan ng laban ng Bulacan-Manila at Bataan-Caloocan ng LIVE sa S+A at S+A HD at may livestreaming sa iWant Sports, ngayong Martes (Marso 12) simula ng 7 pm.
Para sa mga karagdagang istorya at balita sa “Liga ng Bayan” na MPBL, sundan lamang ang @ABSCBNSports sa Twitter at Facebook o bumisita sa
sports.abs-cbn.com. Para sa updates, sundan lamang ang @ABSCBNPR sa Twitter, Facebook, at Instagram o bisitahin ang
www.abscbnpr.com.