News Releases

English | Tagalog

Koreanovela na "That Man Oh Soo" unang mapapanood sa bansa sa Asianovela Channel

March 15, 2019 AT 06 : 54 PM

Korean superstars Lee Jong-hyun and Kim So-eun are teaming up to unload kilig and spread love through their fantasy rom-com series “That Man Oh Soo” that will hit TV screens in the Philippines via TVplus’ Asianovela Channel starting March 18 (Monday).

“What’s Wrong with Secretary Kim,” magbabalik telebisyon
 
Sanib-pwersa ang Korean superstars na sina Lee Jong-hyun at Kim So-eun para maghatid ng kilig sa “That Man Oh Soo,” isang fantasy rom-com serye na unang ipapalabas sa bansa sa Asianovela Channel, ang ultimate fanbayan on free TV na nasa TVplus simula Marso 18 (Lunes).
 
Gagampanan ni Lee Jong-hyun ang papel ni Oh Soo, isang guwapo at matalinong IT engineer na nagsisilbi rin bilang kupido o matchmaker gamit ang isang magic pollen para mahulog ang loob ng dalawang tao sa isa’t isa. Sa kabila ng maraming natulungang magkasintahan, nag-iisa at walang nagpapatibok sa puso ni Oh Soo. Pero magbabago ang kanyang kapalaran nang makilala niya si Seo Yoo Ri (Kim So-eun), isang policewoman na bibihag sa kanyang puso.
 
Ipinalabas sa South Korea ang “That Man Oh Soo” noong 2018 at naging usap-usapan ito ng maraming viewers dahil sa kilig na hatid ng dalawang bida pati na sa matamis na kwento ng pag-iibigan ng kanilang mga karakter. Matutunghayan ang “That Man Oh Soo” tuwing Lunes hanggang Biyernes (10:00 AM). May replays din ito tuwing hapon (3:00 PM) at hatinggabi (12:00 midnight).
 
 
Samantala, magbabalik telebisyon naman sina Park Seo Joon at Park Min Young para magpakilig sa TVplus users dahil masusubaybayan na sa Asianovela Channel, ang ultimate fanbayan on free TV, ang hit Korean romcom nilang “What’s Wrong with Secretary Kim” simula rin sa Marso 18 bago ang “That Man Oh Soo.”
 
 
Mas marami na ring TVplus users ang tumatangkilik sa Asianovela Channel na ngayon ay ika-walong pinakapinapanood na channel sa mga kabahayan na naka-DTT, ayon sa Kantar Media Q4 2018 report na sakop ang DTT households nationwide.
 
 
Patuloy ding nasusubaybayan sa Asianovela Channel ng ABS-CBN TVplus ang medical romance drama na “Doctor Crush,” ang romance fantasy na “Tomorrow with You,” na una ring ipinalabas sa bansa sa Asianovela Channel, at ang iconic serye na “Meteor Garden.”
 
Tumutok lang sa Asianovela Channel, ang ultimate fanbayan on free TV, para mapanood ang “That Man Oh Soo” at marami pang palabas. Para sa karagdagang impormasyon, i-follow ang Asianovela Channel sa Facebook (fb.com/AsianovelaChannel).