Walang takot na ipaglalaban ni Louise De los Reyes ang katotohanan sa pagpatay sa kakilala, sa kabila ng pananakot sa kanya ng may sala sa “Ipaglaban Mo” ngayong Sabado (Marso 16).
Dahil hindi nakatapos sa pag-aaral si Dinah (Louise), nagtrabaho ito sa bar para makaipon ng pampyansa sa nakakulong na kapatid na si Baste (Mark Anthony Fernandez). Minsan, nagkwento sa kanya si Baste tungkol sa masamang nangyayari sa kulungan. Pagsasabihan ni Dinah ang kapatid na umiwas na lang ito sa gulo dahil may pag-asang ma-parole ito.
Nang masaksihan ni Dinah ang pagpatay ng dalawang jail guards (Sandino Martin at Mark Oblea) sa isang ex-convict at girlfriend nito na nakilala sa kulungan, lakas-loob na ituturo ni Dinah ang dalawa—kahit na makatanggap ito ng death threat. Matapos humingi ng tulong sa kaibigang pulis na si Vincent (Marlo Mortel), buong tapang na tumayong star witness si Dinah sa korte. Dahil dito, pati ang kanyang pagkatao ay pilit na sisiraiin ng dalawang akusado.
Magtagumpay kaya si Dinah sa kanyang laban? Paano niya haharapin ang paninira ng dalawang akusado?
Handog ng “Ipaglaban Mo,” ang longest-running na legal drama sa bansa, ang mga makabuluhang episode base sa totoong buhay, na maaaring mapagkuhanan ng aral. Nagbibigay rin ito ng libreng legal advice linggo-linggo sa ABS-CBN Tulong Center sa Quezon City.
Huwag palampasin ang “Reputasyon,” sa direksyon ni Dondon Santos, ngayong Sabado (Marso 16), pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.